chapter 11

51 4 0
                                    


Kanina pa ako nakaupo sa loob ng restaurant na ito sa bayan.

Habang patingin-tingin ako sa kabuuan ng Jazz grill &resto ba ang pangalan nito kung Hindi ako nagkakamali. Lumampas na ng 5 minutes ang usapan namin ni Elena-Rose pero wala parin siya.

Tutupad kaya siya sa usapan namin?

Maayos naman ang pag-uusap namin kaninang umaga sa cellphone. Pumunta kasi ako sa headquarter niya ay wala daw siya ayon sa mga tauhan niya.

Kaya tinawagan ko nalang siya.

Sinagot naman niya ako kahit pa madalang na magsalita at paisa-isang word lang ang sagot ay napapayag ko naman siya,at dito nga kami magkikita at mag-uusap.

Madalas akong sumusulyap sa may pinto pero wala parin siya.

Parang nawawalan na ako ng pag-asa na darating pa siya..

Ewan ko ba sa sarili ko,kung bakit napakabig-deal naman ng bagay na ito sa akin!

Sabagay..bakit paba ako mag-eexpect ng bago,eh sa lahat naman ng pagkakataon ay walang nangyaring maganda sa pagitan namin!

Napapalatak na tumayo na ako,wala na malabo nang darating pa iyon mag-aalas nuwebe na ng gabi. Samantalang ang usapan namin ay seven o'clock Pm.

Ano pa ang dapat Kong hintayin?
Alanganing matatawa at maiinis ako sa sarili ko dahil Hindi ko akalaing kaya Kong maghintay ng halos dalawang oras dito!

I can't imagine the reaction of my friends kung malalaman nila ang bagay na to!

Sina Vinny at Prixx,ang lakas mang-asar ng mga iyon lalo pa at first time mangyari ito for my entire life!

Shit! Ang Hindi siputin ng isang babae! Fuck!!!

Napamura nalang ako sa naisip.
Lumabas na ako ng resto at tinungo ko ang motorsiklo Kong nakapark di kalayuan.

Eksakto namang binubuhay ko na ang makina nang may dumating na motor. Nakahelmet,long sleeve at jeans ang sakay niyon.

Hindi ako agad nakagalaw nang tanggalin niya ang helmet at sumabog ang mahaba at makintab na buhok nito.

Nanatili lang ako sa ayos kung saan niya ako dinatnan.

Pero parang Hindi niya ako napansin at nagdire-diretso na siya sa loob.

Lumakas ang tibok ng puso ko at Hindi ako makapagdecide kung babalik ako o tutuloy nalang sa pag-alis.

After a few minutes ay Hindi rin ako nakatiis at pinili ko rin ang una,somehow ako naman ang nag-aya kaya dapat pa nga ay magpasalamat ako kasi kahit late ay dumating din siya.

Muli akong pumasok sa loob at hinanap ko siya ng mga mata ko.

Agad ko namang natagpuan si Elena-Rose sa may bandang dulo at malikot ang mga matang sinusuyod ng tingin ang mga naroon.
Umupo ako sa harap niya at napapagitnaan kami ng bilog na lamesa.

Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita Kong itsura niya.
Para siyang galing sa gyera dahil butil-butil na ang pawis niya sa mukha pati sa mga braso at leeg niya.

Nababanaag ko rin sa maganda niyang mukha ang pagod at antok sa misteryosa niyang mga mata.

Saan ba ito galing?

"Hey! Are you okay?"

Pukaw ko sa atensiyon niya,para kasing Hindi ito mapakali,at ngayon ko lang siya nakitang ganito na Hindi niya maitago ang emosyon sa kanyang mukha.

Dati nga nahihirapan talaga akong basahin ang reaksiyon niya dahil wala man lang,parang blanko lagi ang ekspresyon every time we meet.

"H-hah?! Yes,of course i do!"

Parang nalilito pa niyang sagot sa akin.

"Nah! You're not okay."

Namumutla na kasi siya at parang wala ng dugo ang labi niya.

"Elena-Rose? Hey what happened! Halika dadalhin kita sa hospital..."

Nagpapanic Kong wika.

Lumapit na ako sa kanya para alalayan siya mula sa likod.

"W-wag sa hospital, i-itago mo a-ako..."

Pautal-utal na sabi niya.

"Ha?!"

Halos mabaliw na ako sa pag-aalala lalo na nang bigla siyang sumuka ng dugo at lupaypay na napasandig ang ulo niya sa dibdib ko na wala ng malay.

"Elena-Rose!"

Agad Kong dinukot ang cellphone ko at tinawagan si Hathor,siya ang malapit dito sa kinaroroonan namin.

Tinawagan ko narin si Wannie na siyang doktora sa BW ORGANISATION.

susundin ko ang hiling niyang Hindi siya dadalhin sa hospital mas mabuti na ang sigurado.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na mula sa glass door na humimpil ang sasakyan ni Hathor sa tapat ng Jazz.

Buong ingat ko na siyang binuhat  palabas ng restaurant na iyon at agad na isinakay sa kotse ni Hathor.

"King! Sino siya?"

May pagtatakang tanong ni Hathor sa akin at inginuso si Elena-Rose na nakakandong ang ulo niya sa akin.

"Sa bahay na tayo mag-usap Hathor,bilisan mo na para magamot na siya agad!"

Mariing wika ko sa kanya.

"Bakit Hindi sa hospital King?"

"Delikado."

Tipid Kong sagot at tinawagan ko si Prixx para kunin ang mga motor namin ni Elena-Rose sa Jazz grill & resto.

"King,what if kung kina Tito nalang natin siya iuwi para mas malapit?

"No Hathor,mahihirapan akong mag-explain kina Dad at Mom. Makikialam sila."

"Okay!"

*****

Hello readers! Pasensiya na kung medyo boring, nag-goodbye kasi ang good thoughts ni author,walang miryenda eh! Hahaha
Init ng panahon dito sa probinsiya!

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now