Unang Kabanata

16 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

"Una na ako ma!" Dali-dali kong sinuot ang sapatos na pamasok ko. Pasukan na ngayon sa Senior High School na papasukan ko. Hindi naman siya malayo dahil dito lang din naman sa bayan namin ang school na sinasabi ko. Ang pinoproblema ko lang talaga ngayon ay late na ako!


Pano ba naman kasi natanghalian akong gising.

"Teka lang anak! Yung baon mo" Agad kong kinuha sa kamay ni mama yung hinanda niya sa aking pagkain. Pati tuloy yung almusal ko nakalimutan ko ng kainin. Nang nakuha ko na ay dali-dali kong hinalikan si mama sa pisngi tapos agad na akong umalis. Take note, tumatakbo ako ha. "Ingat ka anak baka madapa ka!" Kumaway ako kay mama at binigyan siya ng isang malaking ngiti. Ang sarap sa feeling dahil may nanay akong maalaga.

Hinihingal akong nakapasok sa gate ng eskwelahan ko. Saglit muna akong huminto upang makapagpahinga. Grabe naman kasi yung tinakbo ko. May kalayuan din kasi sa amin itong Jordan Clerk senior high school. Sa sobrang pagmamadali ko nawala na sa isip ko ang maghanap ng masasakyan. Ayan ang bunga, pagod.

Ang hassle ng first day ko ghad!

"Hep hep! Nasan ang I.D mo hija?"

Hala! Huwag mo sabihing???

Teka...

NAKALIMUTAN KO I.D KO!!!


Huhu bat sa dinami-dami ng pwede kong makalimutan eh yung i.d ko pa.

"Kuyang guard pwede po bang makahingi ng pabor?" Kumunot ang noo ni manong guard sa sinabi ko. This is it pansit! Kakapalan ko na ang mukha ko. Kung bakit naman kasi eh. "Pwede po bang papasukin niyo ako kahit walang i.d? Sa sobrang pagmamadali ko po kasi nakalimutan ko yun eh. Ang layo pa naman po ng bahay ko" Sana gumana. Sana...sana...

"Hindi pwede iyang gusto mo hija. Mahigpit na bilin sa akin na huwag akong magpapapasok ng mga estudyanteng hindi sumusunod sa rules and obligations ng paaralan"


"Pero---"


"Wala ng pero pero hija. Oh s'ya tumabi ka na diyan, dun ka muna sa gilid at marami pa palang estudyanteng late. Naku first day na first day mga late"


Gaya ng sinabi ni manong guard ay gumilid nga ako. Ano ng gagawin ko ngayon? Ayoko naman ng umuwi dahil ang layo. Kung mamasahe naman ako ay mauubos ang perang baon ko.


Bat naman kasi ang malas malas ko. Naiinggit tuloy ako sa mga kapwa ko estudyante na nakakapasok na. Atsaka anong oras na oh? 7:45 na.

"Naku! Isa ka pa. Ano bang problema ng mga bata ngayon at makakalimutin na?" Napalingon ako sa direksyon ni manong guard tapos biglang naagaw ng pansin ko yung lalaki sa harap niya. Kung titignan siya sa likod, I think magkasing-edad lang kami.


"Asus manong! Para namang hindi niyo ako kilala"


"Aba eh sino ka nga bang bata ka?"


The Sin of LoveWhere stories live. Discover now