Ika-apat na Kabanata

14 0 0
                                    

-Syrene Aquino-


"Hindi ka pa ba uuwi?" Irita kong tanong kay Jach. Katatapos lang namin kumain ng hapunan. Akala ko kapag natapos na kaming magdinner ay uuwi na siya. Aba eh nagkamali ako, dahil umabot na ang ilang minuto hindi pa din siya umaalis.

"Bakit ako aalis? May mahalaga pa tayong pag-uusapan"

"At ano naman yun aber? Alam mo  wala naman akong sasabihin pang mahalaga sayo. Bukod sa pinapaalis na kita ay wala na dapat tayong pag-usapan pa"

"Wala nga ba?"

"Wala nga. O siya makakaalis ka na"

"Ayoko"Aba! Napakatigas naman ng ulo nito. Gusto pa atang magpapilit na umalis.

"Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa umalis, tatawagan ko na ang mga magulang mo"

"Go. Alam mo ba number nila?" Grr. Kanina pa ako nanggigigil sa kanya ha. Ano ba ang dapat naming pag-usapan? Sa pagkakaalam ko wala naman! Psh. As if namang may ginawa ako sa kanyang hindi niya nagustu---GHAD! "Teka lang! Ano ba yung pag-uusapan natin huh?" Hindi ako makatingin sa kanya ng derecho. May hint na ako kung anong gusto niyang iparating sa akin pero kailangan ko muna ng kumpirmasyon mula sa kanya. Hays, mabuti na lang at hindi niya inopen kanina tong topic na to nung kumakain kami.

"Tss. Alam kong alam mo yung sinasabi ko"

"Hindi ko nga alam! Bakit kasi hindi mo na lang sabihin para mapag-usapan na! Dami pa kasing satsat" Pagtanggi ko. Gusto ko nga ng kumpirmasyon. Baka mamaya niyan hindi naman pala yung pagtanggi ko sa kanya ang tinutukoy niya edi naaalala niya pa yun diba? Mas mabuti nang mag-ingat.


"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi ng dahil dun?"

"Ano nga yun? Sabihin mo na para hindi na ako nahihirapan pang isipin kung ano ang gusto mong iparating"

"Tss. Hindi na nakakatuwa. Pati ba naman yung pagtanggi mo sa akin kagabi eh itatanggi mo din ngayon? " OMG! Tama nga ako! Natatandaan niya nga! Akala ko pa naman nakalimutan niya na yun jusko hindi pa din pala. Naku naman. Ano? kailangan ko bang magsorry o hindi?

Sorry? Hindi? Sorry? Hindi? Sorry? Hindi?

Nag-isip pa ako ng ilang segundo bago ako nakahanap ng tamang isasagot.

"Sorry. Hindi ka naman kasi nagsasabing pupunta ka pala dito kahapon. Nabigla kaya ako nun ayan tuloy"

"So kasalanan ko pa? Tsk"

"Eh kung nagsabi ka lang sana sa akin na pupunta ka dito, edi sana hindi ako nagulat at hindi sana kita maitatangging kaibigan kita"  Kitang-kita ko kung paano humingang malalim si Jach. At ano naman sa kanya kung itinanggi ko siya diba? Wala namang kaso yun. "Atsaka pagod ako kahapon" Dagdag ko pa sa palusot ko.

---*---

Wala akong kahit isang ideya kung paano ko nalusutan yung mga tanong sa akin ni Jach kagabi. Basta kung ano lang ang maisip ko ay yun na yung nasasabi ko sa kanya. Hindi naman mahirap magpaliwanag sa kanya kasi siya yung tipo ng tao na iintindihin ka anumang oras. Siya yung tipo ng tao na maunawain sa lahat ng bagay. Kumbaga hindi mataas ang pride.


Pagkatapos naming pag-usapan yung tungkol sa pagtanggi ko sa kanya ay nagpaalam na siya sa akin at kay mama na uuwi na siya. Pero bago pa siya umuwi ay tinulungan niya muna si mama na punasan yung mga pinggan na ginamit naming tatlo.


The Sin of LoveWhere stories live. Discover now