Ikalabing-Apat na Kabanata

4 0 0
                                    


-Syrene Aquino-

Ilang hakbang ang layo ko mula sa kinatatayuan ko ngayon hanggang sa bahay namin. Napahinto ako sa paglalakad dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano abutan ng bulaklak ni Jach si mama. Makikita mo sa mga ngiti ni mama ang saya.

Sino ba namang hindi matutuwa kapag binigyan ka ng isang kumpol ng bulaklak?

At base sa nakikita ko, rosas pa ang mga iyon.

Nakakalungkot pero paborito ko yun e! Hindi naman mahilig si mama sa bulaklak pero bakas sa mukha niya ang saya.

Naghintay ako ng ilang minuto. Sinigurado kong hindi ako mapapansin ng dalawa. Napatingin ako kay Jach. Malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang panghuhusga niya sa akin kanina. Ang kapal naman ng mukha niyang maging masaya ngayon matapos niya akong saktan.

Nang umalis na si Jach ay dun na ako nagsimulang maglakad ulit. Napangiti ako ng mapait ng bago pumasok si mama ay tinignan niya muna si Jach at ngumiti ito habang nakatalikod ang lalaki.

Mahal na mahal nga nila ang isa't-isa.

Nagbuntong hininga muna ako bago ako pumasok ng bahay. Bumungad sa akin ang bulaklak na maayos na nakalagay sa sofa namin. Nakita ko si mama na papalabas ng kwarto niya.

Nagpatay malisya akong hindi ko alam kung kanino galing ang bulaklak.

"Wow! Kanino po ang mga rosas na ito?" Lumapit ako sa mga rosas at kunwari'y sinusuri iyon. Tumingin ako kay mama at nakatingin siya ng mariin sa akin.

Sana huwag kang magsinungaling ma.

"A-ah binili ko sa market kanina. Masyado na kasing plain ang bahay kaya naisipan kong bumili niyan. Ang ganda no?" Ngumiti ako ng mapait. Kelan pa namili si mama ng mga bulaklak? Ni hindi nga siya namimili nito. Nung nabubuhay pa si papa, kapag binibilhan siya nito ng kahit anong bulaklak ay tinatapon niya lang ito--ng patago. Tapos ineexplain niya kinabukasan ang ginawa niya kay papa.

Napangiti na lamang ako sa kanya. Umatras ako ng konti dahil inabot niya yung bulaklak na rosas. Ang galing namang pumili ni Jach.

"Mas maganda siguro kung sa kwarto ko to ilalagay no? what do you think?"

"Uhm...yes ma. Mas mabuti pa nga" Gusto ko siyang tanungin about sa hate niya sa mga bulaklak kaso baka mamisunderstand niya naman. Baka sabihin niya lang na 'ano bang pake mo?' Syempre as anak niya, masasaktan ako pag sinabihan niya akong ganun.

"Ah ma?" Tawag ko sa kanya. Papunta na kasi sana siya sa kwarto niya kung hindi ko lang siya tinawag. "I saw Jach earlier. Anong ginagawa niya dito?" Hindi ko na sinabing nakita ko si Jach na binibigyan siya ng bulaklak. Hangga't maaari ayoko ng saktan ang sarili ko. Tama na muna. Tama na.

"Nagpasama ako sa kanya kanina. Why anak? Is there a problem?"

"Wala naman po..." Tumalikod na siya sa akin kaya naman pumunta na ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang bag ko saka pabagsak akong humiga sa kama.

Isang araw pero andami ng problemang dala sa akin. Sobrang daming pangyayari. Paano na kaya bukas at sa mga susunod pang araw?

Nagbeep ang phone ko. One new message from Kenth.

Oo nga pala nagpalitan na kami ng mga numero. Madalas na ginagawa ng magkaibigan.

From Kenth:

Salamat sa kanina. Have a good sleep. Goodnight *heart emoticon*

Napangiti ako. Kanina nga pala ay kumain kami sa malapit na resto sa school namin. Kasama namin si Edcel. Namiss daw kasi ako ng bata at ganun din naman ako.

The Sin of LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora