Ikalabing Siyam na Kabanata

4 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Ilang minuto siguro akong nakatayo sa tapat ng mga litratong iyon. Nanginginig ang mga kamay kong ibinalik ang litratong hawak ko.

Pagkabalik ko ay kusang loob na akong lumabas ng kwarto ni mama. Nagtungo ako sa sala namin saka pabagsak na umupo sa sofa.

Isang salita lang ang naisipan ko nung mga sandaling iyon.

Obsess.

Yes! Hindi kayo nagkakamali ng basa. Obsess na nga si mama kay Jach. At hindi ako makapaniwalang umabot na siya sa puntong iyon.

Grabe ilang buwan pa lang niyang nakilala si Jach pero ganun na kasidhi ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon.

I wonder kung ganyan din siya kay papa?

Baka nga.

Napatingin ako sa maindoor ng bahay. Nakarinig ako ng marahang pagkatok. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sila Jach yun. Kasi kung sila yun ay dederecho na sila ng pasok at hindi na mag-aabalang kumatok pa dahil in the first place ay kasama naman niya si mama.

Tumayo na ako saka lumapit sa pinto.

"Sino iyan?" Tanong ko ng hindi pa binubuksan ang pinto. Mabuti na ang sigurado.

"Syrene ayos ka na ba? Si Ciela to" Pagbukas ko ay mukha agad ni Ciela ang bumungad sa akin. May bahid ng pag-aalala sa mga ito.

Inaya ko siyang pumasok. Pinagtimpla ko siya ng maiinom sa kusina.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito? Diba may pasok?"

"Kinancel lahat ng klase dahil sa biglaang seminar ng mga teachers" Wika niya.

"Bakit naman daw kaya?"

"Hindi ko din alam e. Walang nakakaalam ng dahilan" Uminom siya sa juice na inihanda ko sa kanya. Kaya ba nagpunta dito si Jach kanina? Ang akala ko pa naman nag-absent din siya.

"Nga pala ayos ka na ba?"

"Oo ayos na ako"

"Hay, buti naman. Kanina sa school tinanong ka sa akin ni Jach. Ayos na kayo?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pero sa huli dahan dahan din akong tumango. "Buti naman"

"Yeah" Walang ni isa pang nagsalita sa amin. Lumikot-likot ang mga mata niya. Bakit kaya?

Nasagot ang tanong ko ng bigla siyang magsalita.

"Sy, may aaminin ako"  Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin din sa akin.

"Ano?" Napansin ko ang paglunok niya. Para siyang kinakabahan na ewan. Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman na mabigat ang sasabihin niya sa akin.

"Sy..."

"Alam mo Ciel pinapakaba mo ako"

"Huwag kang magugulat Sy ha?"

"Ano nga? Pag ako nainis hindi talaga kita papansinin"

"Walang ganyanan Sy" Konti na lang matatawa na ako sa reaksyon ng mukha niya. Bakit ba kasi hindi niya masabi?

"Spill the beans"

"M-matagal na akong may gusto sayo"

"WHAT?!" Sa sobrang pagkagulat ay hindi ko na napigilan ang sarili kong wag sumigaw. Si Ciela, may gusto sa akin? How?

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now