Ikalimang Kabanata

6 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Madiin kong tinitignan si Ciela habang nakikinig sa aming guro. Wala siyang kaalam-alam na pinapag-aralan ko na ang bawat galaw niya. Magmula nung nakipagkaibigan siya sa akin ay hindi na siya muling dumikit pa sakin. Yung tipong didikit lang siya kapag walang Jach sa paligid. Tapos kapag nandiyan na si Jach mabilis pa sa kidlat na tatabi siya dun at iiwan na naman akong mag-isa. Well ano pa nga bang aasahan mo sa isang linta?

"Class dismissed" Malugod na sabi ng aming panghuling guro para sa boring na araw nato. Hinintay ko munang tumayo si Ciela at ng tumayo siya ay tumayo na din ako. Kinuha niya ang bag niya at ganun din ang ginawa ko. Nasa harap naman siya kaya hindi niya ako makikita na ginagaya ko ang bawat galaw niya kasi nasa likuran ako nakaupo. Akmang aalis na siya ng maalala niya sigurong nasa loob pa ako. Napansin kong palapit na siya sa akin kaya nagkunwari akong may ginagawa. Inilapag ko ulit ang bag ko sabay may kinakalikot kunwari ako. Nararamdaman kong malapit na siya sa akin kaya nagpatay-malisya ako.

"Sy, tara. Sa tingin mo nasa labas na kaya si Jach?" Isang irap na naman ang kumawala sa mga mata ko. Isinukbit ko na sa balikat ko yung bag ko at agad akong humarap sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka nga nauna na yun" Sana nga nauna na yung lalaking iyon. Napangiwi ako ng makita ko yung mukha niya na ngumuso. Bahagya din siyang nanamlay. Wth?

"Pero tinext niya ako na hihintayin niya daw tayo sa labas" Dahil sa sinabi niya, hindi ko sinasadyang makaramdam ng selos. So nagpalitan na pala sila ng numero? Samantalang ako wala nga akong number ni Jach sa cellphone ko at wala din naman siyang number ko tapos malalaman kong nagkakatextan na sila?

"Ow really?"

"Don't tell me hindi ka niya sinabihan?"

"Hindi naman na niya kailangan pang sabihin sa akin. Kasi sa tuwing nagdidinner sa amin yun lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ko daw siyang iiwanan tuwing uwian at hintayin ko daw siya palagi" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya yun. Basta ang alam ko lang nainis ako. Kitang-kita ko naman kung paano umawang yung bibig niya. Marahil siguro nagulat well kahit naman ako nagulat.

"N-nagdidinner s-si Jach sa inyo?" Nauutal na tanong ni Ciela. Yes babae.

"Omo hindi mo alam? Hindi ba tinext o sinabi man lang sayo ni Jach na kumakain siya sa amin tuwing dinner?" Yeah girl. Huwag ako. Syempre sinasabi ko yun with my oh so sweet tone with a slight of pag-aalala. Napatingin naman siya sa akin. Tila nagliyab yung mga mata niya. Napansin niya bang may halong panunuya yung boses ko? Omo my fault.

"So anong gusto mong palabasin?"

"Hala Ciela. Wala akong gustong palabasin. Ang gusto ko lang ay malaman mo yun dahil kaibigan ka din namin. Karapatan mong malaman yun" Hinawakan ko yung balikat niya para maging pulido ang pag-acting ko. Sa reaksyon niya ay masasabi kong nagtatagumpay ako sa pakikipagplastikan ko sa kanya.

"Siguro Sy tama ka. Karapatan ko ngang malaman yun. Tara na nga" Nauna na siyang maglakad. Kumawala naman ang isang matagumpay kong ngiti.

"Sandali Ciela hintayin mo ako" Habang papalapit ako sa kanya hindi ko maiwasang mag-isip.

Tinitigan ko siya.

Hinding-hindi mo ako matatalo Ciela dahil hindi ka ipinanganak sa mundong ito para lang talunin ako. Ipinanganak ka dito dahil ako...ako mismo ang tatalo sayo.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now