Epilogo II

5 0 0
                                    


"Doktora" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong tinawag ako ng assistant nurse ko.

"Yes?"

"Kanina pa po may tumatawag sa phone niyo" Lumingon ako sa cellphone na nakalapag sa table ko. Kanina pa ito vibrate ng vibrate. Hindi ko ito napansin dahil nadala ako sa ala-alang matagal ko na dapat sanang kinalimutan.

"Alis na po ako. May pasyente pa akong kailangang i-check" Tumango ako sa kanya hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsara ng sliding door ng opisina ko.

Sinagot ko ang tawag ng masiguro kong mag-isa na lamang ako.

"Hello?" Nalayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko ng marinig kong maingay ang background ng caller. Sino siya? Hindi kasi nakaregister yung number niya sa phone ko.

Prank call?

"Sorry but I don't have time to buy your prank" Nakarinig lang ako ng buntong hininga sa kabilang linya. Umabot ng ilang minuto ng namalayan kong hindi ko pa pala ine-end ang call. Ewan ko pero hinihintay kong magsalita kung sino man ang nasa kabilang linya.

"If you want to make an appointment then call my assistant nurse instead of me. I'll forward her number to you" Pipindutin ko na sana ang end button ng bigla itong magsalita.

"Syrene..." Kalmadong bigkas ng caller. Bakit niya ako kilala?

Maya-maya lamang ng may marealize ako. Nanlaki bigla ang mata ko ng makilala ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya ang boses na yun! Ilang taon na din ang lumipas pero ngayon ko na lang ulit narinig ang kanyang boses. Nanginginig ang kamay kong ibinaba ang phone ko.

"Hello Syrene?" Dahil ugali kong magloud speaker sa tuwing may kumakausap sa akin ay naririnig ko pa din ang boses ni Jach. Nakatulala lang akong nakatingin sa screen ng phone ko. Hindi ako umimik.

"I know you're still there. Don't try to end the call, listen to me first okay? Hey Syrene, congratulations for your success. Sabi ko na nga bang matutupad mo ang mga pangarap mo. I'm glad na natupad mong maging isang doktor. Btw, I'm going home. See you soon! and..." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero mukhang wala siyang balak ipagpatuloy ang sasabihin niya. Tinignan ko ang phone ko, nadismaya lang ako dahil naka-end na pala ang call. Plinano niya bang bitinin ang sasabihin niya?

At ang kapal naman ng mukha niyang siya ang mag-end ng call?!

Nawala ang atensyon sa phone ko ng makarinig ako ng tatlong sunod sunod na katok. Hindi transparent ang sliding door ko kaya hindi ko makikita kung sino ang nasa labas.

"Come in" Kumunot ang noo ko ng muling pumasok ang assistant nurse ko. "Is there any problem?"

"Nothing doc. May naghahanap lang po kasi sa inyo sa labas"

"Sino daw?"

"Hindi niya po sinabi ang pangalan niya basta ang sabi niya kilala niyo daw po siya"

"Pakisabing busy ako" Ang ayaw ko sa lahat ay yung ginagambala ang pahinga ko. Napatingin ako kay Natasha, pangalan ng assistant ko.

"Sorry po doc. Yun nga po ang problema e, ayaw niya pong makinig sa akin"

"Okay i'll be out in a minute" Nag-thank you sa akin si Natasha saka ito nakangiting umalis. Napailing na lamang ako.

Nagmadali kong tinapos ang ginagawa ko. Lumipas siguro ang limang minuto ng matapos ko din. Tumayo na ako saka sinuot ang white coat ko.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now