Ikapitong Kabanata

5 0 0
                                    

-Syrene Aquino-


Siguro kung nakanganga ako ngayon
ay baka nahulugan na ng butiki ang bibig ko. Di parin kasi maprocess sa utak ko yung nangyari kanina. Traydor talaga ang Ciela na iyon.


"Nga pala Sy, bakit bagsak ka sa mga exams?" Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Ciela. Bumuka yung bibig niya at parang sinasabing 'bakit'. Tss, walang filter ang bibig.

"Ah eh haha, dalawa lang naman yung bagsak ko. At isa pa di gaanong malaki"


"Pero diba sabi mo nakapagreview ka?"

"O-oo"

"So paano ka nakakuha ng mababang score? Himala yun ah"

"E-eh kasi...basta ewan di ko alam"

Nanatili lang kaming tatlong tahimik hanggang sa madaanan na namin yung bahay ni Ciela. Hindi ko maiwasang huwag kabahan kasi halata ko ang mga nagtatanong na mata ni Jach sa akin. Kahit kailan pahamak talaga ang babaeng iyon.

"D-don't tell me sa amin ka na naman magd-dinner?" Tanong ko. Nalagpasan na kasi namin yung bahay niya. At para na din makaiwas sa mga tanong niya kung meron man.


"Bakit bagsak ka sa mga exams niyo? Akala ko ba nakapagreview ka?"


OMG! PANO NA?! HUHU


"Nahirapan ako. Siguro dahil na din sa mali yung nareview ko"

"Mali nareview mo? Eh first sem pa lang ang pinag-aaralan. How come na mali na ang nireview mo? Tsk"


"A-ah eh k-kasi baka may nalagpasan akong pahina sa notes ko kaya d-di ko nareview" Shetness. Pinagpapawisan na ako dito. Talaga pa ngang nakahinto kami ngayon sa gilid ng kalsada. Agh. Mabuti na lang at konti na lang ang mga dumadaan na estudyante kundi patay na.


Napatingin ako kay Jach ng hilamusin na naman niya yung mukha niya gamit ang kamay niya. Iyon yung madalas niyang ginagawa kapag naiinis na siya sa isang bagay at nararamdaman kong dahil yun sa akin.


"Umamin ka na lang Syrene pwede? Huwag mo akong gawing tanga"



"Ano na naman bang ikinaiinis mo diyan? Eh ano kung bumagsak ako? Bakit grades mo ba ang maaapektuhan?"



"Ikaw ang tinatanong ko babae. Huwag mong ibahin ang usapan" Grabe na ang nginig ng tuhod ko ngayon. Nakakatakot si Jach taena. Iniwas ko na lang yung mga mata ko saka napilitang magsabi ng totoo. Pero hindi ko sasabihin na siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagreview.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now