Ikawalong Kabanata

14 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

It's saturday. Meaning magrereview kami ngayon ni Ciela sa bahay nila.

Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko. Inuna ko muna ang mukha ko. Liptint at polbo lang. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na magmumukha ng clown ang mukha. Sa damit ko naman, nakashort lang ako at simpleng sleeveless lang. Sobrang init kasi.

Pero syempre dadalhin ko yung mini jacket kong peach na bigay sa akin ng papa nung bago siya mawala. If ever man na sa room niya kami magreview. Di aircon sila eh.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong pumunta sa kusina. Naabutan ko si mama na naghihiwa ng sibuyas. Nakatalikod siya sa akin pero halata kong nagluluha siya. Dali-dali akong nanguha ng mangkok at nilagyan ko ito ng tubig saka nilagay sa tabi ni mama kung saan malapit sa hinihiwa niya. Napatingin siya sa akin.

"Sa susunod ma, maglalagay ka ng tubig sa gilid mo para hindi ka maluha. Ayan tuloy tila kagagaling mo lang sa iyak" Ngumiti si mama pero alam ko na ang ngiti na iyon ay malungkot. Alam niyang may problema sa amin ni Jach. Hindi niya lang ipinahahalata.

"Nga pala mama pupunta ako ngayon kila Ciela. Balak kasi naming sabay na magreview"

"Osige anak. Para makabawi ka na rin sa exams mong bumagsak. Ingat ka" Napatanga ako. Paano nalaman yun ni mama? Wala akong natatandaang sinabi ko sa kanya na bumagsak ako sa dalawang exam ko.

Si Jach.

Bwisit. Talagang sinasagad ng lalaking iyon ang pasensya ko.

Iniwan ko na si mama doon. Lumabas na ako ng bahay. Magpasundo na lang kaya ako kay Ciela? Huwag na nga lang. Nakakahiya dun sa tao. Lalo pa't wala naman silang sasakyan. Di aircon lang sila pero wala silang sasakyan.

Nagsimula na akong maglakad. Habang naglalakad hindi ko maiwasang isipin yung sinabi sa akin ni mama sa text. Ayon sa kanya palagi daw kumakain si Jach tuwing lunch sa bahay. Nagtataka daw siya kung bakit hindi ako kasama ni Jach maglunch. At kapag nagtatanong naman daw si mama kay Jach ay nginingitian lamang siya nito.

Kaya umabot siya sa puntong tanungin ako kung ayos lang ba kami ni Jach. Hindi ko na nun nireplyan si mama. Para san pa? Si Jach na din naman mismo ang ayaw na magsabi ng nangyayari sa aming dalawa.

---

Buong pagrereview ata namin ni Ciela ay walang pumapasok sa isip ko. Kinakabahan na ako sa ano mang pwedeng mangyari sa lunes. It's either babagsak ako or babagsak ulit ako.

Ano ng nangyayari sa akin? Hindi ako to.


Umuwi agad ako sa bahay pagkatapos ng review namin ni Ciela. O mas maganda pa siguro kung review lamang ni Ciela. Kasi hindi naman talaga ako nakapagreview.

Palapit pa lang ako sa pinto ay naririnig ko na ang boses ng taong ayaw kong makita sa ngayon. Bakit na naman ba siya nandito? Ano ba sa tingin niyang ginagawa niya?

Sa imbes na kausapin niya ako't para magkaayos kami ay parang nilalayuan niya din ako.

Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Ghad mababaliw ako.

"Ehem" Napalingon sa akin si mama pero hindi man lang ako nagawang lingunin ni Jach. Galit pa ba siya sa akin? O nagagalit na lang siya dahil iniiwasan ko siya? Sana nga ganun na lamang.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now