Ikasiyam na Kabanata

8 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

"Alam mo Sy, tayo lang ang napapagod sa ginagawa natin e" Nakapangalumbaba si Ciela sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa canteen. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Hindi na ako umuwi para magkaron kami ng sapat na oras para makapag-usap.

"Wala ba talaga?"

"Wala nga. Oo nga't nakikita ko siyang dumadaan sa bahay pero nung sinundan ko naman, nakikipaglaro lang pala ng basketball sa mga tropa niyang lalaki. Ano ba talagang gusto mong malaman?" Hindi ko siya sinagot. Bagkus itinuon ko ang sarili ko sa pagkaing wala pang bawas. Kung ganun, mali ang naiisip ko.

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Kulang na nga lang sundan ko si Jach sa bahay nila para lang makakuha ng impormasyon sa lahat ng ginagawa niya para lang may masabi ako sayo"

"Ah..." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ciela. Mabuti na lamang at mali ang iniisip ko.

Sana nga mali. Sana.

Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita pa sa amin. Sinimulan ko ng kainin ang pagkain ko. Hindi ko maiwasan alalahanin kung pano namin sundan ni Ciela si Jach tuwing uwian. Pangatlong araw na namin ngayon pero mas pinili kong tapusin na ang ginagawa naming pagsunod-sunod kay Jach.

Wala naman akong sapat na ebidensya...

Haist. Nakakapanlumo lang dahil hanggang ngayon ay malamig pa din siya sa akin. Hindi naman na siya napupunta sa bahay. Palagi na lang niyang kasama ang mga tropa niya.

Masakit din dahil tila lumalayo na talaga ang loob sa akin ni Jach. Na parang hindi na niya ako kilala.

"Ay! May nakalimutan akong sabibin sayo" Muntik ko ng matapon ang juice na nasa tabi ko sa lakas ng bunganga ni Ciela. Tsk, mabuti na lang at hindi napansin ng mga kasama namin dito sa canteen ang sigaw niya. Kung napansin, iiwanan ko talaga siya dito.

"Ano?"

"Minsan nakita ko si Jach na bumili ng kwintas sa mall. Sinundan ko siya hanggang sa matapos siyang mamili. Tinanong ko yung ate na pinagbilhan niya ng kwintas kung ano ang pinatatak nung lalaking bumili sa kanya. Ang kaso nga lang ay hindi ko na matandaan kung anong pinatatak ni Jach. Basta ang alam ko may Y yun. Nakalimutan ko yung isang letra"

"You mean dalawang letra?"

"Oo. Nung martes pa yun"

Napaisip ako...bakit sa lahat ng ipapagawang kwintas ni Jach ay bakit dalawang letra pa ang kailangan niyang ipagawa? I mean pwede namang pangalan na lamang, kaya't bakit naka-acronym pa?

May tinatago ba siya?

Nag-isip pa ako ng ilang minuto. At sa ilang minuto na yun ay hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. Alam kong nakatingin si Ciela sa pagkain ko at sa akin.

Ng maisip ko yung itatanong ko ay agad ko itong tinanong sa kanya.

"Gaano ka kasigurado na dalawang letra nga lamang ang ipinagawa niya?" Biglang kumunot ang noo ni Ciela. Kinuha niya ang shake niya saka marahang sumisipsip dun. Hinintay ko lang siyang magsalita pero dumating ang ilang minuto ay bigo akong makakuha ng sagot mula sa kanya. Sa halip ay ibinaba niya ang shake niya at sinimulang kainin yung lunch niya. Great! Hindi niya man lang pinansin yung tanong ko.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now