Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

3 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Magmula nung nareceive ko yung huling message na galing kay Jach ay hindi ko na siya nakita pang muli. Ilang araw makalipas, napag-alaman namin na aalis ng bansa ang pamilyang Orquiza. Hindi sinabi kung saan mismong bansa pero ang sabi nila ay dun na daw magtutuloy ng pag-aaral si Jach. 

At ang balitang iyon marahil ang dahilan kung bakit ilang araw ng nagkukulong si mama. Sa loob ng ilang araw na iyon ay hindi din siya kumakain. Sinusubukan kong kausapin siya at kumbinsihin na kumain pero para siyang pipi na hindi nagsasalita. Naiintindihan ko din naman kung bakit nagkakaganyan si mama dahil ganyan din siya nung  mawala si papa.  

"Ma, kain ka na"

"Nagluto po ako ng paborito niyong ulam"

"Tara ma kain na tayo"


Araw-araw palaging iyan ang lumalabas sa bibig ko sa tuwing humaharap ako sa kanya. Para na lang akong nakikipag-usap sa isang bato. Sa tuwing uuwi naman ako galing sa eskwela ay nadadatnan ko na lang siyang nakaupo diyan sa kama niya at nakatingin sa labas ng bintana.

At sa tuwing may kumakatok sa maindoor ng bahay ay tatayo siya pagkatapos sasabihin na 'Bumalik na si Jach' o kaya naman ay 'Nandito na ang mahal ko'

Hanggang sa mapapaluha na lang ako bigla. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay mama. Sobra na akong naaawa sa lagay niya. Kaya naman napagdesisyunan ko ng sabihin ang lahat kina Ciela at Kenneth sa kung ano mang pinagdadaanan ni mama ngayon. Katulad ko ay awa agad ang naramdaman nilang dalawa.

Nagtanong ako sa kanila na kung may kilala sila na magaling na doktor na kayang suriin at pabalikin sa dati si mama ay sabihan nila ako. Nang sa ganun din ay mapacheck ko kung ano na talaga ang totoong nangayari kay mama.

Ilang araw ang lumipas ng lumapit sa akin si Kenneth at may inirekomenda siya sa aking doktor. Sinabi niya na magaling daw ang doktor na iyon at tamang-tama na kaibigan pa yun ng magulang niya kaya naman libre na ang gagawing pagsusuri. Sobra akong nagpasalamat kay Kenneth nung panahong iyon. Inimbita ko sila kasama na ang doktor sa bahay namin.

"Ma, may bisita tayo" Agad na tumayo si mama sa kinauupuan niya ng marinig niya na may bisita kami.

"Jach...mahal ko"

Inalalayan ko siyang makapunta sa sala. Nang madatnan niyang walang Jach ang kasama sa mga taong nakatingin sa kanya ay nagmadali siyang bumalik sa loob ng kwarto niya. Pero bago pa siya makabalik ay pinigilan ko siya. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Kenneth at Ciela. Nginitian ko silang dalawa at nagpasalamat.

Inupo na namin si mama sa sofa kahit nahihirapan kami. Nagpupumiglas siya sa mga hawak namin.

"BITAWAN NIYO AKO! HINDI KO KAYO KAILANGAN! SI JACH ANG KAILANGAN KO!!!" Napaiyak na din ako ng biglang umiyak si mama. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Patuloy siyang nagwawala hanggang sa wala ng choice ang doktor kundi turukan siya ng pampatulog.

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko. Wala akong kaalam-alam na dadating ang delubyong ito sa akin.

Nang mawalan ng malay si mama ay sinimulan ng suriin ng doktor ang mama ko. Tahimik lang kaming nakatingin sa doktor habang sinusuri niya ang natutulog na si mama. Lumipas ang ilang oras ng magbigay na siya ng kanyang salita.

"Nalulungkot ako sa kung ano man ang nangyari sa mama mo. But, I want you to be stronger. Your mom is suffering from trauma. It takes months to get rid of this but I hope she can handle it"

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now