Ikalawang Kabanata

29 0 0
                                    

-Syrene Aquino-


Kailan kaya ako magiging malaya sa asungot na lalaking nagngangalang Jach? Simula kasi ng nangyari iyong pagsagip niya daw kuno sa akin nung monday ay hindi niya na ako tinantanan. Ghad! Para siyang asong buntot ng buntot sa akin. Tinatanong nga ako ng mga kaklase ko kung boyfriend ko daw ba yung lalaking gwapo na moreno tapos astig daw. Nagtaka ako kung sino yung tinutukoy nila kaya tinanong ko sila about dun. And then laking pagtanggi ko ng sinabi nilang si Jach Orquiza daw. Sabi ko pa nga ganto eh...

"Taena yun? Kahit kailan di ako magkakagusto sa asungot na iyon! Magkamatayan na." Tapos tumawa lang ako. Nagkamali lang siguro ako ng nararamdaman nung first day kasi hindi naman love at first sight yun eh kundi hate at first sight. Hahahaha. Dahil na din siguro sa pagtawa ko ng malakas ay biglang naglayuan yung mga classmates ko. Nawirduhan ata sakin. Pero laking gulat ko dahil nung tumalikod ako nakita ko si Jach na nakakunot noong nakatingin sa akin.

---*---


Hapon ngayon at uwian na. Ito ang huling araw ng klase namin ngayong linggo. Nagmamadali akong lumabas ng school dahil baka makita ko na naman yung asungot na iyon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. May mangilan-ngilang estudyanteng bumabati sa akin pero tinatanguan ko na lang sila.


Sa pitong araw na klase namin ngayong linggo, inaamin kong nahirapan ako pero nakakahabol din naman. Hindi naman ako yung klase ng estudyante na kung hindi mo pa pukpukin sa pag-aaral ay hindi kikilos. Syempre kahit hindi naman ako ganung katalino, matiyaga naman ako pagdating sa pag-aaral.


Tiyaga na nga lang ang meron ako tapos magbubulakbol pa ba ako? Dont get me wrong ha, hindi naman ako bobo. Tama lang yung talino ko. Sa katunayan nga wala namang taong bobo sadyang matatamad lang yung iba. 


"Magandang hapon sayo manong guard!" Magmula din nung nangyari ng lunes ay naging close ko na ata si manong guard. Hindi ko alam kung bakit pero napalapit na ako sa kanya. Siguro dahil nakikita ko sa kanya si papa. Masipag, maalaga, palangiti at handang kayanin ang hirap para sa pamilya. Napangiti ako.

Pa, kung nasan ka man ngayon, mahal na mahal ka po namin ni mama.

"Oh hija ikaw pala. Yung kasama mo laging lalaki nauna na ah. Ano nga bang pangalan nun? Jad? Jas?"

"Jach po manong"


"Ah oo. Himala at hindi ata kayo magkasabay?"



"Naku. Laking pasasalamat ko nga po at nauna na yung asungot na iyon" Natawa si manong. "Mga kabataan nga naman. Alam mo ba diyan nagsisimula ang pag-ibig" Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko kung hindi lang ako napakapit sa railings ng gate.


"Hehe kayo po talaga manong napakamapagbiro niyo. Sige po, una na ako" Nagmadali akong umalis dun. Hindi ko maintindihan pero kumabog na lang bigla yung dibdib ko sa sinabi ni manong. Pag-ibig? Hindi ako naniniwala dun. At isa pa, yun ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagpapakatanga. Ayoko namang hintayin ang araw na mapabilang ako sa mga taong iyon.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now