Ika-anim na Kabanata

9 0 0
                                    

-Syrene Aquino-




Nakatingin ako ng derecho sa mga mata ni Jach. Bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay sa kanya pa ako nahulog? Ganun na ba talaga kalupit ang tadhana?


Hamakin kong sa isang katulad niya pa pala ako mahuhulog. Meron talagang mga bagay na hindi natin inaasahan na dadating sa atin.



"Oh Syrene gising ka na pala"




"Can't you see? Duh" Lumapit ako sa dining table at naupo. Kumuha ako ng toasted bread pagkatapos ay kinain ko ito habang nakatingin kay Jach. Psh, kahit na alam ko sa sarili kong may gusto ako sa kanya ay hindi pa din ako mahihiya sa presensya niya.




I'm not pabebe.




"So ano ngang ginagawa mo dito ng gantong kaaga?" Tanong ko sa kanya.




"Can't you see? Tch" Sabi niya ng nakangisi habang tinuturo yung sarili niyang nakabihis na. Aba eh gago din pala ang isang to. Tapos ginaya niya pa ako? Sarap niya talagang upakan. Grr nanggigil ako! "Ano naman kung nakabihis ka na?" Try me Mr. Orquiza. Kung pilosopong tao ang kailangan mong makipag-usap sayo, well I'm in.





"The hell edi hinihintay ka" Dapat na ba akong kiligin? Tss.




"Ow...ng ganitong kaaga?"




"Look Syrene ayaw kong patulan ang pagiging pilosopo mo ngayon kaya mas mabuti kong bilisan mo na lang. I'm waiting"




"Naks naman. Nakakakilig ka alam mo yun?" Natawa ako ng palihim ng mahuli kong biglang nag-init ang mukha niya. As in namumula yung buong mukha niya hanggang leeg. Huwag niya sabihing nahihiya siya? o baka naman kinikilig?




Asa naman ako. psh.





"Ay naku hija mamaya na kayo gumawa ng pag-ibig. Bilisan mo na lang diyan at ng makaalis na kayo"



"Ma anong pag-ibig ka dyan?" Pagtatanggi ko.




"Sus tinatanggi mo pa. Alam mo ba hijo may gust---" Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan ni mama at agad kong tinakpan ang madaldal niyang bibig. Buti na lang nagawa ko kundi mabubuking pa ako ni Jach na may gusto ako sa kanya. Nah masyado pang maaga para malaman niya no.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now