Epilogo

4 0 0
                                    

Author's Note:

YaY! Naachieve na natin ang pinakahuli sa lahat ng kabanata.

Pasensya na kung masyadong napabilis :)

Pero bago ka magpatuloy ng pagbabasa...

Uunahan na kita.

Hindi lahat ng bagay sa mundo ay nagtatagal.

-unknown 24/7

Kaya ngayon pa lang, humihingi na 'ulit' ako ng sorry.

Enjoy reading guys. Mahal ko kayo!

❤twinxcy

***

10 years later...

Sa loob ng sampung taon, marami ng kaganapan na nangyari sa buhay ko.

Yung iba masaya pero may iba ding malungkot.

Nung April 03, 2018 nang gumraduate kami sa senior high school. Sobra ang sayang naramdaman naming tatlo nila Ciela at Kenneth nung panahong iyon. Nagkaron ng celebration sila Ciela at Kenneth sa mga bahay nila. Inaya nila akong dalawa pero kapwa ko sila tinanggihan. Ang nasa isip ko kasi nung mga oras na iyon ay mas mabuting i-celebrate ko ang araw na iyon kasama ang mama ko.

Naintindihan naman nilang dalawa ang side ko. Pero gayunpaman, sadyang walang araw talaga na hindi natin mararansanan ang malungkot. Dahil nung mismong nagpaplano akong i-celebrate ang moving-up ko, ay ang araw din na nalaman kong nawawala si mama.

Yes. Magmula nung araw din na iyon ay aligaga ako sa paghahanap sa kanya. Hindi ko alam ang uunahin ko. Mabuti na lamang at sinamahan ako nila Kenneth na hanapin ang nawawala kong ina. Sa imbes na magsaya ako, tanging takot at pangamba ang nangingibabaw sa akin noon. Hanggang sa umabot ang isang taon pero ni anino ni mama ay hindi man lang namin nakita.

Nawalan na ako ng pag-asang makita siya sa lumipas na taon. Pero nabuhayan akong muli dahil sa isang pangyayari...

May 7, 2019. Ang date kung saan may nagpakilala sa akin at sinabing may update daw sila about kay mama. Kung alam niyo lang, nung araw din na iyon ay nilukob ako ng tuwa.

Kumuha ako ng tissue sa gilid ng bangkong kinauupuan ko ng may luhang biglang tumulo sa mata ko. Pasensya, hindi ko na nakayanan pang muli ang emosyon ko.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muli ko na namang naalala ang nangyari noong araw na yun.

May 7, 2019...

Sinabi nga sa akin ng nagpakilalang 'Albert' na may pagala-gala daw na ginang sa baryo nila. Walang nakakakilala kung sino ang ginang na iyon kaya nagbabakasakali siyang yun ang matagal na naming hinahanap. Kaya niya siguro ako kinontak nun.

Mabuti na lang daw at nakita niya yung numero ko na nakapaskil malapit sa eskinita nila.

Mga ilang minuto siguro bago matapos ang call ay ibinigay niya sa akin ang address niya. Pagkatapos nun, tinawagan ko si Kenneth at Ciela, sinabi kong may lead na tungkol sa pagkawala ni mama although hindi ako ganong kasigurado kung si mama nga ang ginang na tinutukoy nung 'Albert'. Umaasa pa din ako sa nananatili kong pag-asa na mahahanap ko din si mama.

Sumakay kami sa sasakyan nila Kenneth at pinuntahan ang nasabing address. Hindi naman naging komplikado ang paghahanap namin sa address dahil lahat ng napagtatanungan namin ay alam kung saan yun.

"It's here" Sandaling ipinarada ni Kenneth ang sasakyan. Nang maiparada niya, sabay-sabay kaming lumabas tatlo. Maraming nagkalat sa paligid, yun ang una kong napansin. Marami ding mga bata ang nagtatakbuhan at mga matandang nakatambay sa bawat gilid ng mga bahay. Ang iba sa kanila ay napapatingin sa amin.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now