Huling Kabanata

4 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

2 days later...

***Festival of Booths***

Monday na, meaning...Festival of Booths na!!! Maaga akong nagising dahil excited na ako sa mga mangyayari mamaya. Kagabi, late na akong nakauwi dahil sobrang dami pa ding customers ang namimili kahit alas diyes na ng gabi.

And yes finally! Natanggap na ako sa bakeshop na pagmamay-ari ng pamilya Yontez. Nung unang araw ko hindi naging madali sa akin dahil hindi ko pa alam kung paano ang gagawin. Mabuti na lang talaga dahil mabait yung kasamahan ko at tinuruan niya ako. Ang pangalan niya ay Hanibel.

Masasabi kong madali siyang pakisamahan dahil sobrang bait niya. Katulad ko, para sa pag-aaral din ang dahilan niya kaya siya nagtatrabaho. College student na kasi siya.

"Anong booth ang una nating papasukan?" Kasama ko ngayon si Ciela. Palagi naman. Kasalukuyan kaming naghahanap ng booth na papasukan namin. Nag-aalinlangan nga ako kung papasok ba ako o hindi dahil lahat ng booth ay may bayad kapag pumasok ka.

"Don't worry akong bahala sa pambayad" Napalingon ako sa kanya ng di oras. Nakangiti siya sa akin. Salamat naman at may solusyon na agad sa problema ko.

"Ikaw na lang siguro magdecide kung saan tayo unang papasok tutal libre mo naman pala e"

"Okay" Sinusundan ko lang siya. Nagtungo kami sa pinakamalapit na room. Sa pintuan nun, nakasulat ang 'welcome to paradise booth'

Ginanahan tuloy ako bigla dahil ngayon ko lang narinig ang ganung booth.

"Tara dito muna tayo. Nakakaexcite" Nagbayad ng 100 si Ciela dun sa mini counter nila. 50 per head daw kasi. Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa. Agad kaming pumasok sa loob nun.

Pagkapasok pa lang namin ay bumulaga na sa amin ang 3d na dagat na view. Parang nasa dagat ka talaga. Tapos pati yung mga buhangin sa gilid ay aakalain mong totoo. Lumapit kami sa mala-dagat na view pagkatapos ay inilabas ni Ciela ang camera niya saka kami kumuha ng picture dalawa. 

"1...2...3 wacky" Click.

Mga kalahating oras siguro bago kami lumipat sa ibang booth. Siguro nakailang shot din kami ng pictures.

Ang sunod naman naming pinuntahan ay yung Shadow Booth na kalapit ng room namin. Napansin kong nagkakaguluhan ang mga estudyante sa labas ng Booth namin. At mukhang marami kaming magiging pondo para sa Christmas Party namin.

Syempre naman kasi talaga kapag tungkol sa pag-ibig ay talagang papatok sa karamihan.

Hindi nagtagal ay lumabas na kami sa loob ng Shadow Booth. Pinagmamasdan namin ni Ciela ang picture namin na kuha mula sa loob. Sa unang box ng picture ay parehong nakawacky ang mga anino namin. Sa pangalawa naman ay nagform kami ng hugis aso gamit ang mga kamay namin. Kitang-kita yun sa anino naming dalawa ni Ciela. Habang sa pinakalaki naman ay pinagdikit namin ni Ciela ang kamay namin at nagform ng heart.

Dalawang copy yun kaya tig-isa kaming dalawa.

"Tara Ciel, tayo naman ang magbantay sa Booth natin" Inaya ko na si Ciela na bumalik sa Lovers Booth na kung saan yun ang Booth na na-assign sa amin. Naabutan naming may dalawang estudyante--babae at lalaki ang nagpapapicture sa malaking heart na ginawa ng mga kaklase namin.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now