Ikalabing Pitong Kabanata

2 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Ilang araw na ang lumipas mula nung magpunta kami sa Mt. Sephere. Yung bundok na palaging pinupuntahan nila Kenneth at Edcel kung saan nila ako dinala.

Kasalukuyan kaming nasa field ngayon ng JCSHS (Jordan Clerk Senior High School) at naglalaro kami ng volleyball na kasama sa P.E class namin.

"Ang init Sy! Hindi ka ba naiinitan?" Nagpupunas si Ciela ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Katatapos lang namin maglaro. Second set naman na kung saan ibang mga kaklase naman namin ang in sa game.

"Nakakapagod" Umupo ako sa malapit na bench na hindi kalayuan sa pwesto namin. Kinuha ko ang mineral water sa bag na dala ko saka ko ito nilagok ng tuloy-tuloy. Sumunod sa akin si Ciela. Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit sa akin.

Iniisip ko kasi kung ano ang ginawa niya nitong mga nakaraang araw?

Hindi ko kasi siya man lang nakita. Sa totoo niyan, ngayon na lang ulit kami nagkita't nagkausap. Siguro dala na rin yun nung hindi kami nagkaunawaan.

Niintindihan ko naman yung side niya nun. Kasi nakafocus naman talaga ako kay Jach nung mga panahong nagkatampuhan kami kaya hindi ko siya masisisi.

"So kumusta na kayo ni Jach? Ayos na ba kayo?" Muntikan na akong masamid sa tubig na iniinom ko ng bigla siyang magtanong. Gulat akong napatingin sa kanya. Bakit sa lahat ng pwede niyang itanong ay yun pa ang naisipan niya???

Akala ko pa naman ay ayaw niyang napag-uusapan si Jach kapag kaming dalawa lang. Tapos heto't siya pa ang nagsimula.

Tila hindi naman niya ata nahalata ang pagkagulat ko kaya naman minabuti kong umarte na para bang walang nangyari. Act normal lamg kumbaga.

"Malapit na. Konti na lang"

"Ibig sabihin hindi pa?"

"Hindi ko alam..." Umiwas ako ng tingin ng magtaka ang mukha niya. Hangga't maaari ayokong malaman niyang hindi pa kami ayos. "may tamang oras at panahon para magkaayos kami"

"Bakit? Hindi pa ba ito ang tamang oras?" Nakanguso niyang wika.

"Anong ibig mong sabihin?" Agad akong nagtaka ng bigla siyang tumuro sa likuran ko. Dala ng kuryosidad ay napalingon din ako sa kung saan siya nakaturo.

Mula sa kinapupwestuhan namin ay agad akong napatingin sa lalaking maangas na naglalakad hindi kalayuan sa amin. Bumalik ang mga sandaling ninanais ko ng ibaon sa limot.

Yung mga rosas....

Yung mga tsokolate...

Lahat ng iyon ay tila naging estatwa sa isipan ko. Na kahit anong tibag ang gawin ko ay hindi maalis-alis.

Bakit sa lahat ng taong maaari niyang bigyan ng ganun ay bakit ang mama ko pa?

"I think this is the right time Sy. Good luck" Tinap ako ni Ciela sa aking braso. Ni hindi ko na nagawa pang magreact sa ginawa niya. Basta hinayaan ko na lang siyang umalis.

Muli akong napasulyap kay Jach na ngayon ay madiing nakatingin sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Kung gaano kaintense ang titig niya, sinigurado kong ganun din ang sa akin.

Ilang beses niya na aking sinaktan--nasaktan. Ilang beses niya na ding pinagulo ang mundo ko.

Ngayon...

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now