Ikasampung Kabanata

19 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

"Anong ginagawa mo dito?" Sa pangatlong beses kong pagtatanong ng ganyan kay Kenneth ay palaging 'naglilibot' ang sinasabi niya. Hindi ako naniniwala sa kanya dahil alam kong may iba pang dahilan kung bakit siya nandito. Ewan ko ba pero nafifeel ko na may mas malalim pang dahilan.

"Just roaming around" Binulsa niya ang dalawa niyang kamay habang naglalakad kami. Naisipan naming maggala muna at magtingin-tingin ng kung ano-ano dito sa loob ng mall. Pero sinigurado ko namang hindi na namin madadaanan pa yung chowking kung saan nakita ko ang dalawang taong hindi ko akalaing kakain ng sabay. At take note, sa labas pa!

"Pacool amputek. Huwag mo nga akong niloloko, di ka gwardya para maglibot dito sa mall, okay?" Nginitian lang niya ako.

"Ano iyang hawak mo? Don't tell me binilhan mo ako ng singsing? I'm not ready yet Syrene" Wow! Change the topic. See? Talagang iniiwasan niya yung tanong ko. Pero bago pa ako magsalita ay binatukan ko siya. Lakas din kasi ng trip nitong lalaking ito e. Kung hindi lang to gwapo at mayaman baka hinampas ko na siyang electric fan. Dami pa namang electric fan dito sa mall. Kaso baka idemanda ako ng magulang nito. Kaya no thanks na lang self. Ayaw ko pang makulong.

"Wag kang feeling okay? Gwapo ka lang pero wala akong balak na bilhan ka ng singsing"

"Ouch. Palagi mo na lang sinasaktan ang nararamdaman ko..." Nag-act pa siya ng kunwari tila nasasaktan. At ang cute niya sa totoo lang. Pero may mahal ako e. Sana pala siya na lang una kong nakilala. "But, you said that I'm handsome? It's my pleasure to thank you baby"

Hindi lang pala siya mayabang. Malandi din. •_•

"Lakas hangin dito! Grabe! Feel mo?" Nag-akto pa ako na tila tinatangay tangay ng hangin. Mukha akong tanga sa totoo lang.

"Really? Parang wala naman. Puro lamig nga lang galing sa aircon nitong mall ang nararamdaman ko e"

"Seriously?"

"Yes"

I guess hindi ako mananalo sa kalakasan ng trip niya. Kaya ako na mismo ang kusang sumuko. Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot ng walang nagsasalita ni isa sa amin.

Hay, ngayon lang ako napalapit sa kanya pero ang komportable na agad ng pakiramdam ko sa kanya.

Pero teka lang...

Bakit kanina ko nga lang pala siya napansin? Bakit kanina ko lang nalaman na may Kenneth na nag-eexist sa room namin?

Lahat kasi ng atensyon mo ay na kay Jach...

Napabuga akong hangin bigla. Ganun na ba talaga ako kadesperada sa lalaking iyon?

"Lalim ng iniisip natin diyan a" Nabalik ako sa huwisyo ng bigla akong kalabitin ni Kenneth. Sa hindi ko malamang dahilan ay napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Mula sa mga mata niyang mapupungay na isa sa nagpapalakas ng kanyang dating, sa pilik mata niyang mahaba na nakatalikwas, sa ilong niyang pointed na sobrang tangos at sa labi niyang mamula mula. Masasabi kong siya ang pumapangalawa kay Jach pagdating sa kagwapuhan. Pero bakit? Bakit sa kahit anong anggulong tignan ko ay ang lungkot ng mukha niya?

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now