Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

3 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

"Ma pasok na po ako" Maingat kong sinarado ang pinto ng kwarto niya. Nag-iwan din ako dun ng kanin at ulam kung sakaling magutom man siya. Inilock ko na din ang maindoor namin. Isa din kasi sa payo ng doktor na siguraduhin kong isarado ang pinto kapag aalis ako upang hindi lumabas si mama.

Habang naglalakad ako papasok ay may humintong sasakyan sa gilid ko. Nagmadali akong maglakad dahil akala ko kung sino na pero biglang bumukas ang bintana sa passenger seat at mula doon ay ang nakangiting si Kenneth.

"Dadaanan ka sana namin sa bahay niyo. Saktong naabutan ka na naming naglalakad. Halika, sabay ka na" Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong sumakay sa backseat.

"Pag hapon ba ay mag-isa mong naglalakad dito?" Oo. Simula nung hindi naging maayos ang lagay ko kay Jach ay mag-isa na lagi akong umuuwi. Pero dati ay palagi ko siyang kasabay.

AISH. Wala ng Jach. Hindi mo na siya makikita pa.

"Oo"

"Hindi ba delikado? I mean, pag gabi na tayong pinapauwi, diba delikado kung mag-isa mo lang? Babae ka pa naman" Anong meron ba kung babae ako? Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa kilala ako ng mga tao dito at kilala ko din sila. Pero kung sabagay, walang pinipili ang kapahamakan.

"Sanay na ako"

"Simula ngayon. Ihahatid ka na namin ni manong driver pag pauwi ka na"

"Kahit huwag na"

"No. I have my word." Hindi na ako naka-angal pa. Bakit kaya sobrang protective niya sa akin?

Minuto ang lumipas ng makarating kami sa JCSHS. Marami na ding estudyante ang pumapasok. May mangilan-ngilang estudyante ang napapatingin sa amin. Siguro dahil kay Kenneth.

Kelan ba ako nawala sa mga mata ng mapanghusgang tao?

"Salamat manong. I'll text you kung anong oras mo kami susunduin" At talagang pinangatawanan niya ang sinabi niya kanina.

"Salamat po. Salamat Kenneth" Kagaya kahapon ay ginulo niya na naman ang buhok ko.

"No worries..." Napatingin ako sa kanya. "By the way, kinukumusta ka ni Edcel"

"Si Edcel? Pakisabi na ayos ako. Namimiss ko na yung batang iyon"

"And gusto niyang bisitahin ang mama mo" Ngumiti ako ng pilit.

"Anytime"

Habang naglalakad kami ay hindi nakaiwas sa amin ang mga estudyanteng masayang naglalagay ng banderitas sa kanya-kanya nilang mga classroom. Ay oo nga pala. May Festival of Booths na magaganap.

"Anong meron?" Lumingon ako kay Kenneth. Don't tell me hindi niya pa alam? Well, ito na siguro ang oras para ikalat ang natsismis namin ni Ciela sa library kahapon.

"Sabi nila..." Syempre kailangan may credits para hindi ako umabot sa plagiarism. "...may magaganap daw na Festival of Booths"

"Really? Buti naman at naisipan nilang bigyan ng kaligayahan ang mga estudyante"

"Oo nga. Buti na lang" Nang makarating kami sa classroom namin ay naabutan naming busy din ang mga kaklase namin. Humiwalay na sa akin si Kenneth at pumunta sa mga katropa niya.

The Sin of LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang