Ika-Dalawampung Kabanata

4 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Muntikan na akong matumba kung hindi lang ako naalalayan ni Ciela.

"Sy! Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Oo ayos lang ako. Bigla lang akong nahilo"

"Tara. Samahan na kita sa kwarto mo" Nginitian ko siya saka dahan-dahang naglakad papuntang kwarto ko. Hindi na siya nagtanong pa sa nakita niya dahil siguro alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Sige, hihiga na lang muna ako dito"

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Hindi ako nakagalaw dahil sa biglaan niyang tanong.

Sigurado nga bang ayos na ako?

Dahil sa tanong na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Niyakap ako ni Ciela ng bigla akong humagulgol sa iyak. Tinapik tapik niya ang ulo ko saka sinasabi niya na 'magiging ayos din ang lahat'.

Yun na nga ang problema, ilang beses kong hiniling na maging ayos ang lahat pero hindi naman nagkakatotoo.

"B-bakit ganun siya Ciel? Matapos  niyang m-magtapat sa akin ng nararamdaman niya at sabihing h-hindi na niya ako sasaktang muli...ba-bakit nagawa n-niyang saktan ako...ulit?" Nakayakap ako sa mga braso ni Ciela. Bakit Jach?! Kung alam ko lang na gagaguhin mo ulit ako ay sana hindi na lang kita pinagkatiwalaan pa!

Sobrang sakit. Maisip ko pa lang kung paanong halikan niya si mama ay unti-unting nadudurog ang puso ko. Feeling ko ay wasak na wasak na ako sa loob.

"B-bakit? Anong kulang sa akin? M-may nagawa ba akong kasalanan kaya pinarurusahan ako ng panginoon?"

"Wala...walang kulang sayo Sy. At mas lalong wala kang kasalanan. Si Jach ang may kasalanan kaya hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo"

"Ciel..."

"Sshhh..." Tumahimik ako. Kahit ganito ang nangyayari sa akin ay nagpapasalamat pa din ako dahil dumating si Ciela sa buhay ko. Atleast may karamay ako sa mga oras na to. 

Mga ilang oras siguro akong umiyak sa mga bisig ni Ciela. Nang makaramdam ako ng pagod ay kusa ng sumuko ang talukap ng mata ko.

Kaya naman nagkusa na akong magpatangay sa lalim ng kadiliman na gustong angkinin ang diwa ko.

--**--

"Good morning Sy!!!" Aish ang aga aga napakaingay na nitong kasama ko! Tumingin ako kay Ciela. Bakas sa mukha niya ang saya. Anong meron?

Kahapon ay wala kaming masyadong ginawa. Hanggang ngayon kasi ay busy pa din ang mga teachers at wala ni isang estudyante ang nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan nila. Pati tuloy ako ay nacucurious kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pagkabusy ng lahat ng teachers ng Jordan Clerk.

"Wala ka man lang bang balak na batiin ako pabalik?" Nakangusong tugon ni Ciela. Hay, ano pa nga ba?

"Good morning"

"Ganun lang? Wala man lang emosyon? Sy naman! Tatlong araw na ang lumipas"

"So?" Yes. Tama kayo ng rinig. Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nung nangyari ang ginawang paghalik ni Jach sa mama ko. And oo aaminin ko na hanggang ngayon ay masakit parin para sa akin pero pinipilit ko naman ng kalimutan iyon. Ewan ko ba kung bakit pinaalala pa nitong babaeng to.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now