Pandagdag na Kabanata

3 0 0
                                    

Ps. Ito yung time na nakareceive si Syrene ng maliit na box kay Esteban. Kung nalimutan na, check the final chapter. Yung sa pinakadulo ng kabanatang iyon.

Thank you!

---

Nakatingin ako sa maliit na kahon na ibinigay sa akin ni Esteban. Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung sino ang kaibigan niyang nagpapabigay nito.

Tinignan kong muli ang kabuuan ng kahon saka ito binuksan.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong may nakatuping papel doon. Kinuha ko iyon.

May nakasulat sa unang bahagi ng papel na nakatupi.

To my one and only lady <3

Napailing ako. Sino naman kayang loko-loko ang magbibigay sa akin nito?

Dahil sa excitement na nadadama ko ay binuksan ko na agad iyon. Binasa ko ang buong sulat.

Dear Syrene,

Kung binabasa mo ito ngayon, siguro alam mo ng nakaalis na ako sa Pilipinas. Sinulat ko itong letter ko na ito sayo hindi para magpaalam kundi para sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Alam kong may hindi tayo pagkakaunawaang dalawa pero nais ko lang malaman mo na hindi iyon hadlang upang mabawasan ang pagmamahal ko sayo.

Siguro kapag nagkita tayo, may iba ka ng mahal at hindi na ako. Pero I'll make sure na pagbalik ko, ako na ulit. Alam ko naman kasing marupok ka e. De joke lang. Pero ako? Hinding-hindi kita mapapalitan sa puso ko.

Natatandaan mo pa ba yung time na hinalikan ko ang mama mo? Sorry for the term. Nakita kita nun na nakasilip sa bintana. Gusto ko lang sabihin na hindi ko ginusto iyon. Actually ginawa ko lang iyon para mawala ang galit niya sa akin. Kahit na mali at masagwang pakinggan. Alam ko namang nagkamali ako sa part na yun.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang siyang nagalit nung nalaman niyang ikaw yung taong mahal ko. Clueless ako that time. Maybe ayaw niya ako para sayo? O may gusto siya sa akin? Kidding.

Hindi ka nagkakamali Jach. May gusto talaga siya sayo.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.

Pero let's forget it! Mas magandang pag-usapan yung ngayon.

So yeah. Maybe pag nagkita na lang tayo ulit in the near future saka ko na lamang sasabihin ang dahilan kung bakit ako umalis. May nangyari kasing hindi namin inaasahan. At kapag may mga babaeng nagbigay ng motibo sa akin, hindi ko sila papansinin. Ikaw lang talaga. (Ang baklang pakinggan, hindi ako mahilig sa paggawa ng letter dahil nababaduyan ako pero para sayo my love) 

Maybe yun lang? Palagi na lang kitang babantayan kahit nasa malayo ako. No, wag kang matakot sa akin, hindi ako obsess stalker or creepy stalker tulad ng iba diyan. You know me. Nandiyan naman si Esteban para maging mata ko.

I love you! You're the beautiful girl I've ever met. Bonus na lang siguro na naging kaibigan kita.

-your man,
Jach

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Yeah, I remember na minsan niya na ngang sinabi sa akin na hindi siya mahilig gumawa ng mga love letters. Dahil para sa kanya, nakakabakla daw tignan.

Natawa ako sa naalala ko.

Pero...kahit na ganun...

Habang binabasa ko ang sulat na nanggaling sa kanya ay may narealize ako. At yun ay ang...hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal ko ang isang tulad niya.

---

Hi.

After nito, may special chapter pa akong ipopost.

So ayun, See you sa special chapter!

Any comment? I would really appreciate it.

❤twinxcy

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now