Special Chapter

11 0 0
                                    

5 months later...

Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Actually, kakauwi ko lang galing trabaho. To tell you the truth, hindi sana ako pupunta sa sinasabi nung lalaking iyon kundi niya lang sinabing importante ang sasabihin niya sa akin.

Sino ba naman kasing matino ang mag-aaya ng usap sa ganap na alas dose ng madaling araw?!

My ghad!

It's been months simula nung nakauwi si Jach dito sa Pilipinas. Hindi ko nga alam kung may plano pang umalis ng bansa at bumalik sa states ang lalaking yun. Pero I'm sure, he'll be staying here for good.

"Yes I'm on my way there...maybe 5 minutes? I don't know...just wait...okay see you" Napabuntong hininga ako. Wala bang kapaguran ang lalaking ito? Sa pagkakaalam ko ay may mga projects pa siyang kailangang tapusin as soon as possible, pero ano tong ginagawa niya?

Humanda kang lalaki ka. Alam kong hindi ko na siya nasesermunan kaya siya nagkakaganyan. Well, just wait me there.

Agad na nangunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang isang abandunadong building. Seriously? Tama ba ang address na pinuntahan ko?

Chineck ko ang address na sinend sa akin kanina ni Jach. Mukhang hindi naman ako nagkamali.

Ibabalik ko na sana ang phone ko ng may pumasok na panibagong message galing sa kanya.

"Rooftop." Napatingin ako sa taas ng building. Sobrang dilim. Mabuti na lang at hindi ako natatakot sa multo.

Pumasok ako sa entrance ng building. Wala namang nagbawal sa akin na huwag pumasok kaya nagtuloy tuloy ako.

Mag-eelevator sana ako ang kaso nga lamang...lahat sira! Napatingin ako sa emergency stair. Wala akong choice kundi doon dumaan.

Rinig na rinig ko ang tunog ng heels ko habang paakyat. Napayakap ako sa katawan ko ng makaramdam ako ng lamig. Tanging ang tunog ng heels ko lamang ang naririnig ko. Sobrang tahimik, nakakakaba.

Sa oras talaga na magkita kami ng harapan ng lalaking iyon, susuntukin ko siya sa mukha! Hamakin niyong pagod na nga ako tapos papaakyatin niya pa ako papuntang rooftop!

May pera naman sana siya pero bakit dito pa niya napiling mag-usap?

Jusko, ang sarap niyang sakmalin ng buhay.

Nang dahil sa pagkairita ay tinanggal ko ang heels ko. Huwag ko lang talaga siyang makita dahil lilipad sa kanya tong heels na to!

Mga ilang minuto din siguro bago ko natagpuan ang sarili ko sa tapat ng pinto ng rooftop. My gosh! Pati yung pinto halatang ilang taon ng hindi nagagamit.

Huminga pa muna ako ng malalim saka pinihit ang knob ng pinto. Oops, hindi pala siya pinipihit! Kaya pala ilang beses ko ng pinipihit hindi pa din bumubukas! Siguro kung may mga kasama ako, malamang ko pinagtawanan na ako.

Tinulak ko na ang pinto.

Unang bumungad sa akin ay kadiliman.  

Biglang umakyat sa dibdib ko ang kaba.

Shit!

Don't tell me?

Baka nascam ako!!!

Dali-dali kong sinuot muli ang heels ko. Nang masiguro kong nasuot ko na ay tatakbo na sana ako ng biglang...

Unti-unting nagbukas ang mga ilaw sa rooftop. Pagkatapos, sunod sunod ding nagsindihan ang mga christmas lights na nasa paligid ng lamesa sa gitna.

Napansin kong may mga scented candles ang nakahanay sa dadaanan ko. Sa paligid nun ay mga nagkalat na red petals.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ang paningin ko. Biglang napako ang paningin ko sa lalaking nakatayo malapit sa malaking...piano?

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now