Ikalabing Walong Kabanata

5 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Una pa lang may hinala na akong maaaring may gusto si mama kay Jach. Hindi ako bulag para hindi makita yun. At mas lalong hindi ako tanga para hindi mapansin ang bawat kilos niya. Mula sa mga titig niya kay Jach. Ang mga ngiting sumisilay sa kanya kapag nakikita niya si Jach. Lahat ng iyon ay nagawa niya na kay papa nung nabubuhay pa ito. Hindi ako pwedeng magkamali.

Ang lahat ng aksyon na iyon ay minsan nang nagbigay ng kakaibang ngiti sa aking labi.

Pero ngayon...hindi na.

Hindi na ako natutuwa.

Maaga akong nakauwi ng bahay at nadatnan ko si mama na nagluluto sa kusina.

"Hi ma! Anong niluluto niyo?" Nilapag ko ang bag ko sa lamesa saka hinarap si mama. "Ma?" Sinikap kong huwag magpahalata na may hinala na ako sa nararamdaman niya.

"Oh? Nandito ka na pala anak" hinarap niya ako pagkatapos ay ibinalik niya din ang tuon niya sa niluluto niya.

"Anong niluluto niyo po?"

"Nilagang baboy"

"Wow! Paborito ko yan. Naku, mukhang mapapadami ako ng kain nito a"

"Talaga? Oh s'ya ihanda mo na ang mga plato at kakain na tayo. Patapos na din naman to" Sinunod ko ang utos ni mama. Hays, kahit saang banda talaga ay hindi ko akalaing magagawa ni mama sa akin yun. Kahit isang detalye, wala.

"Nga pala magdagdag ka ng isang plato" Agad akong napalingon sa kanya. Nakatalikod pa din siya sa akin habang hinahalo ang niluluto niya kaya hindi niya nakikita ang nagtataka kong reaksyon.

"Bakit ma? May bisita bang darating?"

"Oo e. Tinext ko si Jach, ang sabi ko dito na lang siya kumain sa bahay tutal madami naman tong niluto ko"

"Hindi po ba baka mapagalitan siya ng mama niya?"

"Nope anak. Sure naman akong magpapaalam yun" Napadiin ang hawak ko sa platong kanina ko pa bitbit. Bakit mas ginagawa niyang komplikado ang lahat?! Nakakainis.

Nilapag ko ang platong hawak ko saka nanguha ng isa pa. Siguradong magiging awkward ang sitwasyon sa pagitan naming tatlo mamaya. At sana walang mangyaring kahit anong hindi kaaya-aya.

Panigurado kasing hindi ako magsasalita mamaya kapag kumakain na kami dahil hindi ko pa din makalimutan ang mga binitawan kong salita kay Jach. Kung paano ko ipangalandakan na wala akong tiwala sa kanya.

"Excuse anak baka mapaso ka" Napausod ako ng dumaan sa gilid ko si mama dala ang niluto niyang ulam. Medyo nagulat ako dahil biglaan yun. Tsk, masyado kasi akong natulala.

"Tadaa~ representing my nilagang baboy ala Sylvia. Naku, siguradong magugustuhan din to ni Jach" Napangiti ako ng pilit. Kahit naman itanggi kong hindi magagawa ni mama sa akin na magsinungaling--- ang mga salita niya na ang pruweba sa katotohanan.

Bakit pa kasi ako umasa na hindi niya iyon magagawa?

Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now