Ikalabing-Anim na Kabanata

3 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

"Anong ginagawa natin dito?" Kasalukuyan kaming nandito sa Liwayway cemetery. Wala akong ideya kung bakit kami nandito gayung ang sabi sa akin ni Kenneth ay mamasyal kaming tatlo. Sabado ngayon kaya sumama ako at ang isa pa, ayokong magtagal sa bahay. Wala din naman akong gagawin dun, mabobored lang ako pag nagkataon.

Napalingon ako kay Kenneth ng tumingin siya sa gawi naming dalawa ni Edcel. Hayun na naman ang lungkot sa mga mata niya. Nacucurious talaga ako sa pagkatao ng lalaking to.

"Maiwan ko muna kayo dito. May dadaanan lang ako. Edcel, ikaw na muna ang bahala kay ate Syrene mo"

"Okay! Akong bahala kay guardian angel"

Lumingon sa akin si Kenneth. "Syrene dito na muna kayo. Huwag kayong aalis" Tinanguan ko siya kasabay ng pag-alis niya sa loob ng sasakyan.

Naguguluhan pa din ako. Anong ginagawa namin sa sementeryo?

Ah! Siguro may dadalawin siyang kamag-anak nilang namayapa na. Namili kasi siyang bulaklak kanina e. Tapos nilagay niya sa passenger seat kaya pareho kaming nakaupo dito sa backseat ni Edcel.

Pero kung kamag-anak nga nila ang dadalawin niya...

Bakit hindi niya sinama si Edcel?

Posible kayang mas may mabigat pang dahilan?

"Siguro guardian angel nagtataka kung bakit tayo nandito no?" Bigla akong napatingin sa katabi ko. Seryosong nakatingin sa akin si Edcel. Napaayos ako ng upo. Hindi ako sanay na makitang ganito ang batang to. Kung makikita niyo siya ngayon, malayong-malayo sa Edcel na palangiti at palaging nakabungisngis. Bigla bigla kasi siyang naging seryoso.

Ano bang nangyari at naging seryoso ang mukha niya ngayon? May something ba sa hangin na nakapagpabago sa ekspresyon niya?

"Hay, dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi pa din niya siya nakakalimutang bisitahin" What the hell. Siya? Sinong siya? Kusang napakunot ang noo ko ng dahil sa narinig ko kay Edcel. Hindi ako nagsalita bagkus mas pinili kong maghintay ng sasabihin pa ng katabi ko.

"Talagang mahal na mahal niya nga siya. Hindi niya binigo sila mom and dad" Nakatulala ngayong nakatingin si Edcel sa labas ng sasakyan. Samantalang ako, naguguluhan pa din dahil wala akong ideya sa mga pinagsasasabi niya.

May nangyari ba kay Kenneth dati na hinding-hindi niya makakalimutan?Mas lalo tuloy akong nacurious sa buhay ni Kenneth.  

Hinihintay ko pa sanang magsalita si Edcel pero lumipas ang ilang minuto ng hindi ito nagsalita. Nakatingin lang siya sa mga taong bumibisita din sa puntod ng mga minamahal nila. Napabuntong hininga na lamang ako.

Kung ano man siguro ang napagdaanan ni Kenneth two years ago, hindi na dapat ako makialam pa. Hihintayin ko na lang ang oras na siya ang magsabi nito sa akin.

Ilang minuto ang lumipas bago ko natanaw si Kenneth hindi kalayuan sa amin. Naglalakad siyang parang walang nangyari. Pero pansin kong namumula ang mga mata niya. Kagagaling lang siguro niya sa iyak.

Nang tuluyan siyang makapasok sa sinasakyan namin ay walang lingon niyang pinaandar ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan papunta sa kung saan. Hindi ko magawang magtanong kung saan kami patutungo dahil maski ang bibig ko'y nahihiyang mabasag ang katahimikang nananaig sa pagitan naming tatlo.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now