Ikalabing Limang Kabanata

4 0 0
                                    

-Jach Orquiza-

Isang subject na lang matatapos na ang klase.

Kanina pa ako patingin-tingin sa orasan ng relo ko. Bakit ba sobrang bagal ng oras? Buryong buryo na ako dito sa loob ng classroom. Idagdag pa ang walang kagana-ganang discussion ng matandang to.

Seriously? Bakit kasi siya pa ang panghuling subject teacher namin?!Kung wala lang talaga akong iniingatang pangalan ay baka dinrop ko na ang subject na to.

Napaayos akong upo ng muli kong maaalala ang gabing hindi ko aakalaing mangyayari, kung saan sinabi ni Syrene sa akin na alam niya ang sikreto ko. Holy water on Earth naman kasi! Pinakaiingatan ko pa namang sikreto yun kaya hindi ako makapaniwala na nalaman niya iyon. 

Sinabi ba ng mama niya yun sa kanya?

Shit! Sabi ko pa naman kay Mommy Sylvia na sikreto lang namin ang nararamdaman ko para kay Syrene. How come na hindi siya tumupad?

Paulit-ulit kong pinaalalahanan siya about dun. Pumayag na nga ako sa gustong mangyari ni Mommy Sylvia nung birthday niya na kumain kami sa labas para lamang masigurado ko na talagang iingatan niya nga ang sikreto ko.

Binlackmail niya kasi ako na kapag hindi ako pumayag sa gusto niyang pagkain namin sa labas, ay sasabihin niya kay Syrene na mahal ko siya which is yung sikreto ko nga. At hindi pa ako handang malaman yun ni Syrene kaya napilitan akong sumama.

Pero nagtataka lang ako kung bakit ako pa ang gusto niyang makasama nung birthday niya kung pwede naman ang anak niya? si Syrene?

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa Jach. Alam ko na ang sikreto mo"

Aish!

Hindi ko inexpect na malalaman ni Syrene ang sikreto ko ng mas maaga.

"Class dismissed..."

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. Napatingin sa akin ang iba kong classmates pero hindi ako nag-abalang pansinin ni isa man sa kanila.

Kailangan ko ulit iabot ang mga tsokolateng ito kay Mommy Sylvia. Nais ko muling ibigay niya ito kay Syrene.

Wala pa sigurong ilang minuto ay naglalakad na ako sa gilid ng kalsada. May mga babaeng nagtangkang lapitan ako at gustong magpapicture pero magiliw ko silang tinanggihan. Hindi iyon ang makakatulong sa akin ngayon.

Malalaking hakbang ang ginagawa ko para mabilis na makapunta sa bahay nila Syrene. Ni hindi ko na tinext ang mama niya.

Nagmadali pa ako dahil baka maabutan ako ni Syrene. Ayokong makita niya ako dahil baka hindi niya tanggapin ang mga tsokolateng ito.

Bukas na bukas siguro ay tatapatin ko na siya. Buo na ang loob kong umamin sa kanya. Buong-buo na ang pasya ko. Wala ng makakapigil pa.

"Sylvia?" Pumasok ako sa bahay ng hindi ko matawag sa labas si Mommy Sylvia. Una kong pinuntahan ay ang kusina nila ngunit wala din siya doon. Inilapag ko muna ang mga tsokolateng dala ko sa lamesa ng kusina nila.

Nasaan kaya ang mama ni Syrene?

Pinuntahan ko ang c.r nila pero wala pa din dun si Mommy Sylvia.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now