Ikalabing Tatlong Kabanata

4 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Mabuti na lamang at may mga klase pa ang iba ngayon. Tumakbo ako sa pinakamalapit na comfort room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle nun at dun ako umiyak ng umiyak.

Gago ka Jach! Napakagago mo!

Makikita mo, lahat ng sinasabi mo tungkol sa akin ay kakainin mo! Ipapakita ko sayo na mali ang iniisip mo tungkol sa akin.

Hindi man ngayon pero sa mga susunod na araw!

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Hindi pa din tumitigil ang mga luha ko. Pangalawang beses na akong umiiyak ng dahil sa kanya.

Simula ngayon.

Pangako ko sa sarili ko, hinding hindi na ako iiyak kung ang dahilan lang din naman ay ang talipadas na lalaking iyon!

-Jach Orquiza-

Bullshit!

I couldn't believe this. Damn.

Hindi ko intensyong paiyakin si Syrene. Nadala lang ako ng aking emosyon. Kasalukuyan akong nakikinig sa matanda naming guro. Kung wala lang akong respeto sa mga guro ay kanina ko pa ito binato ng bangko.

Kanina, gusto ko sanang habulin si Syrene kung hindi lang ako pinahanap ng matandang to. Fvck! Ang sarap niyang ibaon sa lupa. Kaya nga ako umalis sa subject niya ay dahil ayaw kong makinig sa discussion niyang bulok tapos pinatawag pa ako. Pati ang iba kong kaklase ay hirap magcutting sa subject niya!

Sarap niyang ipatapon sa planetang mars. Bwisit!

"Tol, kanina pa kawawa yang papel na hawak mo" Napatingin ako sa papel na kanina ko pa niyuyupi. Yukos yukos na ito. Habang mariin kong tinitignan ang papel na hawak ko ay may pumasok na ideya sa isip ko.

Tinignan ko si Esteban--isa sa mga tropa ko, saka ko siya kinindatan. Nagets naman niya ang ibig kong sabihin. Tatawa-tawa lang ito.

Humanda kang matanda ka.

Nagbilang ako sa isip ko...

Isa...dalawa...tatlo!

Sapul! Walang kwenta ang pagiging player ko kung hindi ko siya matatamaan.

Ilang segundo pa...

"SINONG TARANTADO ANG NAGBATO NITO SA ULO KO?!"

Cool lang akong nakaupo sa bangko ko. Patay malisya para mas astig ang term. Aba, malakas pa pala ang matandang to! Hamakin mong hinawakan sa kwelyo ang kaklase naming lalaki na nerd?

Anong malay niyan?

Siraulo.

"S--sir hindi po...a--ko" Wika ng nerd naming kaklase habang umiiling-iling pa. Recko ata pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.

Nag-eenjoy lang akong nanuod sa kanila.

"Aba't nagsisinungaling ka pa?! Umamin ka na para di kita ibagsak!"

"S-sir hindi nga po ako"

"Tarantado ka pa lang bata ka e!" Labas na ang ugat sa leeg ng aming butihing guro. Kung makapagmura ito akala mo katapusan na ng mundo.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now