Ikatlong Kabanata

7 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Buong gabing hindi ako nakatulog. Iniisip ko kasi yung nangyari kahapon. Iniisip ko kung kaya ko bang harapin si Jach ngayon gayong may ginawa akong hindi niya nagustuhan. Hindi niya nga ba nagustuhan yung pagtanggi ko sa kanya?


Psh. Ang hirap ng sitwasyon ko. Idagdag pa itong napakagulo kong nararamdaman. Bigyan niyo naman ako ng kahit isang hint oh.


May gusto na ba ako kay Jach?


Argh. Sana wala. Hangga't maaari ayokong mahulog sa kanya.


"Hi" Napalingon ako sa katabi ko. Ako ba yung binati niya? O nagfi-feeling lang ako? Pero sa akin siya nakatingin. "Sabi ko hi" Okay. I think naman na nasagot na yung tanong ko dahil ako nga yung kinakausap niya at wala ng iba.


"Uhm hello. Pasensya na, marami kasi akong iniisip" Hindi ko naman kasi inexpect na kakausapin ako ng katabi ko, ni Ciela to be specific. Base sa  pagkakakilala ko sa kanya, wala pa siyang nagiging kaibigan dito sa room namin. Sobrang tahimik niya kasi. Kaya nga may part sa akin kanina na nag-alinlangan na sagutin siya dahil baka kasi hindi ako ang kinakausap niya edi napahiya pa ako. Nah, ayokong mangyari sa akin yun noh.

"U-hm okay lang. W-wala ka bang kasama m-mamaya magrecess?"


"Wala naman. Bakit?"

"P-pwede ba akong sumabay sayo?" Woah bago to ah. Pero sandali lang, kinakabahan ba siya? Pansin ko lang na kanina pa siya nauutal. O baka naman ganun lang talaga siya? Ay ewan. Masyado na akong maraming problema para idagdag pa yan.


"Yeah sure. Mas maganda nga yun eh" Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti. Alam niyo sa totoo lang, maganda siya. Kaya nga lang eh mahiyain.


After kong magsalita ay wala na ni isa pang nagsalita sa amin. Hinintay na lang namin yung teacher namin at nung matapos na ang dalawang subject, inaya ko na siyang lumabas. Mas mabuti na din sigurong kasama ko si Ciela kesa sa Jach na yun.

"Ano kakainin mo? Ako na bahalang mag-order" Prisinta ko dahil wala ata siyang balak magsalita. Tumingin naman siya sa akin. "Alam mo mas mabuti kong hindi ka mahihiya sa akin" Wika ko pa.


"U-hm nahihiya lang k-kasi ako dahil pumayag ka na s-sumama ako sayo"


"Ha?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Bakit naman kita tatanggihan?"


"Uhm wala lang. Akala ko kasi next time din ang isasagot mo eh. Haha. Kapag kasi nagtatanong ako sa iba nating c-classmates kung pwede ba akong makijoin sa kanila laging next time ang nakukuha kong s-sagot" Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. So all this time na palagi siyang mag-isa ay dahil kasalanan ng mga kaklase namin? Wth! Mga namimiling kaibigan, pwe.

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now