Rules of Accounting students

6.4K 130 40
                                    

Siguro sa mga nakahanap ng story na ito, accountancy student kayo at siguro, isa kayong estudyante sa mga top performing schools in the field of accountancy and business administration. But nevermind, di naman ako naniniwala sa kakayahan ng eskwelahan na makapagproduce ng mga successful accountants. It is more of the student. What he can bring and how much he can change himself. 

By the way, isinulat ko lang ito kasi wala na akong maisulat na fictions at wala na akong ideya kung paano magsimula ng ganoong stories kasi once na sinimulan ko ang laban ko dito sa kursong ito, iniwan na ako ng creative minds ko. 

Andami ko ng sinabi pero wala ni isa dyan sa mga sinulat ko  ang gusto kong ipunto sa inyo.Gusto ko lang ibahin ang paniniwala ninyo about sa accounting. kung gaano ako ka blessed na mahirapan at pahirapan ang sarili ko kasama si God sa pagbagsak sa mga exams at quizzes.

Una, marami sa inyo ay naniniwala na SOBRANG HIRAP NG ACCOUNTING :(. Pero dyan kayo nagkakamali.(Akala niyo siguro magaling ako sa accounting noh? hindi! singko ako palagi sa exams at quizzes. di rin ako makapagrecite ng matino. Wala akong pinagmamayabang dahil 3.00 pa ang hinahabol ko.)

So, paano ko nasabing hindi mahirap ang Accounting, kung sa sarili ko ay nahihirapan din ako? Well, nasa mentality lang natin yan. (Nung high school ako, yung bookkkeeping ay kasama sa TLE subject. At sobrang dali ng TLE di ba?  But believe it or not, ako ang lowest sa bookkeeping sa section namin. BOBO ako! BOBO!!) Nahihirapan tayo, kasi ginagawa  natin  komplikado ang accounting. Nagdodoubt tayo sa sarili natin kung hanggang saan pa ba ang kaya nating ibagsak, kung may babagsakan pa ba tayo o kakayanin pa nating maghabol, sa halip na isipin natin kung paano kuhanin ang journal entries, mag compute ng revaluation, mag estimate at kung ano-ano pang theories sa accounting na dapat ay isinisiksik sa nakakapunyeta nating utak. 

        and by the way, I enumerated things na dapat ay iwasan ninyo oras na pinasok niyo angkursong ito,

        1. Competition (wag ka ng makipagkompitensya sa grades ng iba, focus ka dapat sa   pag- acquire ng knowledge, in short, wag kang grade conscious, although grades can be    your second priority.First ang preparations)

               2. Paranoia (wag kang paranoid na makaperfect sa exams, wag kang paranoid na mapuri,wag kang paranoid sa mga ibinagsak mong quiz, wag kang paranoid na magkamali ulit,at kahit saang paranoia land ka pa umabot, wag kang matakot na malampasan yan. Kasiyung pagiging paranoid mo ang babalot sa brain mo at yung mga dapat na isiksik dyan sa    brain mo ay di na papasok kasi nga puno na! )

              3.Dont dwell on people who brings you down (kasama dito yung mga kaklase mong maymasasamang bisyo, mga reklamador sa assignments, projects and deadlines, mga petiks sa buhay, mga di kontrolado ang pag-iisip, unless you can change them. Im not   saying na maging nerd ka, Im saying na maging responsible ka sa mga ikikilos mo. kasi       once na di mo makontrol ang sarili mo, mawawala ka sa focus sa Accounting. )

Actually marami pang dapat iwasan, but once you start taking Accountancy, these will be the first 3 rules you should consider dahil yung iba ay manggagaling na lang sa experience  at obserbasyon niyo. 

Pangalawa, maraming naniniwala na kailangan ay resourceful tayong mga Accountancy Student. MALI, na naman. Meron akong kaklase na halos lahat ng librong imitation sa recto (valix,de leon, guerrero, etc.) ay nabili na niya, ang kaso, sa dami ng libro na binili niya, di niya rin nababasa lahat at kung mabasa man niya lahat, pagdating naman sa exam, nag-ooveranalyze siya kaya mali din ang mga sagot niya. Eto payong kaibigan lang, maganda naman maging resourceful pero be resourceful to the extent na yung kailangan lang natin ang binibili, be practical. Atsaka naranasan niyo na ba na kapag di niyo natapos ang mga binabasa ninyo, wala kayong nakukuhang satisfaction at feeling nyo, di kayo papasa sa quiz kasi kulang yung nireview niyo, samantalang, isang libro lang naman ang dapat na pinagtuunan mo ng pansin.

Another tip is, mag-invest kayo sa mga soft copy na solution manuals, test-banks, e-books, and powerpoint presentations. Kabahan na kayo kapag wala kayo nito, kasi maraming accounting students ay meron nito, palihim nga lang nila na ginagamit atsaka ito ang bubuo sa mga pagrereview na feeling niyo ay kulang pa.

Pangatlo, maraming naniniwala na ang Accounting ay Math.Hindi puro Math ang Accounting. It requires Analysis. Mas lamang pa nga ang pagiging bihasa mo sa english kapag kumuha ka ng accounting. 

Pang-apat, maraming naniniwala na para mag-excel sa accounting ay kailangan ng matinding practice sa pagsagot ng accounting problems. Based on my experience, magpractice ka lang kung kailangan mong malaman kung paano inaapply ang mga theories. However beyond that, wag ka nang sagot ng sagot ng similar problems kasi baka sa halip na maintindihan mo, at maging konkreto dyan sa utak mo ang mga theories with its practical applications, ay makabisa mo. Naalala ko etong nangyari sakin last week, sa sobrang nakabisa ko na kung paano magsolve, at sobrang na-analyze ko pa, nagkamali ako. Basic lang kasi pala yun.

And last but not the least, maraming naniniwala na studying Accounting requires a lot of time. Not really, siguro mga three or five hours a day , okay na. Kasi kung one day kang nag-aaral ng accounting, maiisipan mo bang magdasal? Maiisipan mo bang bigyan ng oras yung pamilya mong makasama ka? maiisipan mo bang maglinis ng bahay? Maiisipan mo bang lumabas ng bahay at ma-inspire and ma-motivate? 

Just come to think of it, kung buong oras mo ay ginugol mo sa accounting, at bumagsak ka, parang buong buhay mo din yung nawala. Pero once na hinati mo yung mga oras sa buhay mo according to its level of priority, at bumagsak ka sa accounting, at least, mga three or five hours lang ng buhay mo ang nasayang. 

So kapag bumagsak ka, alam mo kung paano mo paaandarin ang three to five hours mong pag-aaral sa accounting. Kasi malay mo di ba? mali ka lang ng way ng pag-aaral.

Madami na akong kaklase noon na bumagsak sa Accounting pero nag-excel sila sa ibang fields. Yung iba nag mass comm, Med. tech, marketing, management at yung iba, Management Accounting. Hanga ako sa kanila kasi nababalitaan kong, they are doing well. Siguro time will come na pag bumagsak ako sa Accounting, magshishift din ako and this time, di ako matatakot na magkamali sa pinakamalaking desisyong ginawa ko para sa sarili ko. 

Sana nakatulong 'tong mga tips ko sa inyo. (sa akin na rin, for voicing out my thoughts. Walang mapaglabasan eh haha). 

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon