Prologue

24.5K 272 2
                                    

'Hindi ko na kaya. Sobrang pagod na ko. Alam ko naman sa aking sarili na hindi na ko magtatagal. Ayuko ng nahihirapan ako at mas lalong ayukong makita silang nahihirapan ng dahil sa akin. '

Sa bawat takbo ng oras tanging tunog ng orasan ang naririnig ko sa kwartong kinahihigaan ko. Sa kwartong naging tahanan ko sa loob ng isang buwan. Kulay puti ang kisame at maging ang mga gamit sa loob ng silid.

Sa kabilang dako ay natanaw ko si Mommy na nakahiga sa kulay itim na sofa. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Alam ko sobra sobra ng pag-aalala nila dahil sa kalagayan ko. Wala akong magawa dahil kahit sarili ko hindi ko matulungan.

Lalaban pa ba ako?? O susuko na.

Kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan. Minsan gusto ko ng tapusin ang buhay ko pero pinipigilan nila ako. Sa bawat pagtatangka kong kitilin ang aking buhay para matapos na ang paghihirap ko ay mas domoble pa ang pagbabantay nila sa akin.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang bumangon. Kailangan kong tumakas, lumayo. This is not the place na gusto kong makita bago ako mawala.

Sobrang bigat ng aking katawan pero tiniis ko ang sakit upang makabangon. Dahan dahan akong tumayo. Kailangan kung maging maingat.

Maingat kung binuksan ang pinto ng silid at isinara.

'Mommy, I'm sorry. ' sabi ko sa aking isipan ng tumingin ako sa direksyon niya.

Sobrang lakas ng aking kaba. Buti na lang at wala ang mga bodyguards na nakabantay sa amin. May nakakasalubong akong mga nurse at ibang pasyente. Buti na lang hindi nila ako napansin dahil nagmamadali sila.

Dumaan ako ng hagdan upang walang makapansin na tatakas ako. Maingat ang mga galaw ko. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan at maging ang paghapo ng aking hininga. Pakiramdam ko mawawalan ako ng lakas at balanse sa aking katawan. Maging sa paglakad ko ay talagang hirap ako. Kailangan kong tiisin.

Wala akong inaksayang minuto mula ng makalabas ako ng hospital. Mabuti na lang at walang nakakita sa akin kaya malaya akong nakalabas.

Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng aking puso dahil sa pagod. Nanghihina na din ang aking katawan kaya minabuti kong magpahinga muna. Halos habol ko ang aking hininga ng tumigil ako sa paglalakad. Ilang tao din ang napapadako ng tingin sa akin. Marahil inaalala nila ang aking kalagayan. May ilan rin na dinaanan lang ako at hindi man lang pumansin sa akin.

Pakiramdam ko ay babagsak na ako. Hindi ko na kaya ang pagod sa aking katawan. Walang tigil ang paghabol ko sa aking hininga. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

"Miss... Miss, okay ka lang ba?? "

Isang makisig na boses ang narinig ko. Binaling ko ang aking tingin sa kanya pero agad ko ding iniwas. Napapikit ulit ako dahil sa kirot sa aking ulo.

"Are you okay Miss?? Kailangan mo ba ng tulong?? " sabi niya sa akin.

"N-no. I-its okay. " ang pautal-utal kong sabi.

Inayos ko ang aking sarili upang makaalis na. Kailangan ko ng magmadali baka masundan pa ako ng mga bodyguards na nagbabantay sa akin.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng ma-out of balance ako at mabuti na lang mabilis ang kamay niya kaya hindi ako natumba.

For the first time, ay napatingin ako sa mga mata niya. Ewan ko ba pero may something akong naramdaman. Parang---matagal ko na siyang kilala.

"You're sick! Kailangan kitang dalhin sa ospital. "

"No.No.No!! Please, wag mo kong ibalik sa ospital. "

"Miss, baka mapano ka lang. "

"Please I'm begging you. Ilayo mo ko sa lugar na 'to. " pagsamo ko sa kanya. Tinitiis ko lang ang kirot at sakit sa aking ulo. "Gusto ko lang maging m-malaya bago ako mawala. "

"Miss----"

"Please Mister, Tulungan mo kong makalayo. " saad ko pa sabay tingin sa paligid baka kasi hinahanap na ko ng mga guard.

"I'm sorry Miss pero hindi kita matutulungan. " deretsong sabi niya.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Nagmamakaawa ako upang makalayo sa lugar na ito. Ilang distansya lang ang layo ng ospital mula rito kaya posibleng mahanap nila ako in just a short period of time.

Nakaramdam ako ng panghihilo at pananakit ng aking katawan kasunod nun ang panghihina ko. Para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa aking utak. Hindi ko na kaya.

"Miss your bleeding!! " Ang huling salita na narinig ko mula sa kanya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

***

Do you believe in Destiny?? If yes, this is your story.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon