Chapter 23 : The Dinner

3K 65 3
                                    

•Hector's POV•

"Mister, kinakabahan ako." ang saad niya sa akin ng makarating kami sa bahay. Actually, nasa sasakyan pa lang kami ay sobra ng kinakabahan siya. Halata sa kanyang mga mata ang pagiging hindi komportable.

"Sabi ko naman sayo diba? Huwag kang kabahan." hinawakan ko ang kanyang kamay at deretsong tumingin sa mga mata niya. "As long as, nandito ako sa tabi mo, wala ka dapat ipangamba. I'm sure matutuwa sila na makilala ka." ang pahayag ko saka nginitian ko siya.

"B-baka kasi--Hindi nila ako magustuhan. Natatakot ako. Ganito na ang itsura ko. Nakakahiya."

"Bat ka naman mahihiya? Si Mom pa nga ang nagsabi na gusto ka nilang makilala." kinabig ko siya pasandal sa aking dibdib. "Never kitang ikakahiya."

Umiling-iling na lang siya bilang sang-ayon sa akin.

"So let's go?" ang tanong ko. Nakipagsabayan ako sa mga titig niya hanggang sa tumango siya. Pasimple akong napangiti dahil sa reaksyon niya.

"Wait!" saad niya dahilan para mapatitig ako sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal ang wig sa kanyang ulo dahilan para makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Tanging guhit lang sa kanyang kilay ang nagbibigay buhay sa kanyang magandang mukha.

"Sigurado ka?" ang nag-aalalang tanong ko.

Lumapad ang kanyang ngiti na parang may sinabi akong nakakatuwa pero in fairness maganda pa rin siya kahit wala ng buhok ang kanyang ulo.

"Diba sabi mo hindi dapat ako mahiya!? And beside maganda pa rin naman siguro ako kahit na wala na akong buhok." ang pabiro niyang sabi.

"Of course. You are beautiful inside and out George!" ang saad ko at saka ko siya hinalikan sa kanyang mga labi kasunod nun ang malulutong naming tawanan. It's just like normal, parang wala siyang sakit.

"Let's go." ang sabi ko ulit.

Nauna na kong bumaba at agad na pinagbuksan ko siya ng pinto para makababa siya ng sasakyan. Kinuha ko naman ang jacket sa loob ng sasakyan at isinuot iyon sa kanya. Madali pa naman siyang lamigin. Nakaalalay ako sa kanya ng maglakad kami papasok ng bahay.

Hawak ko ang kanyang kamay habang inaalalayan ko siya baka kasi matumba siya bigla. Alam niyo naman mahina na ang mga buto ni Georgina.

Sa pagpasok namin sa living area ay nakita namin si Ate. Nagulat pa nga siya ng makita kami. Pinagmasdan niya ng maigi si Georgina at ng matauhan ay agad na lumapit sa amin at nakipagbeso.

"Hi? Georgina right?" ang masayang sabi ni Ate at niyakap niya ng mahigpit si Georgina. "You look familiar!?"

"Ate!"

"Ewan. Parang nakita na kita." ang dagdag pa ni Ate.

"Hindi ko alam eh. Madami na akong nakakalimutan. Madami ng mga alaala ang naglaho sa isipan ko." ang saad ni Georgina saka siya tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Nakakalimutan niya na lahat?

"Sorry. Sandali tawagin ko si Mommy!" paalam niya sa amin.

Pinaupo ko muna si Georgina sa sofa. Hindi ko rin maiwasang titigan siya ng maigi.

Naalala ko nung una ko siyang nakita. Sobrang pamilyar niya din sa akin pero hindi ko lang talaga matandaan kong saan!

"Mister!" bigla akong napakurap sa gulat tapos ngumiti siya ng pasimple. Sobrang sarap sa pakiramdam. "Kanina mo pa ako tinitingnan."

"Iho!" sabay kaming napalingon kay Mommy kasama niya si Dad at si Ate. Agad na lumapit si Mom sa akin at hinalikan ako saka niya ibinaling ang tingin kay Georgina. "Iha. How are you?" ang saad ni Mommy at niyakap niya rin ito.

His MillionaireWhere stories live. Discover now