Chapter 25 : The Portrait

3.2K 70 3
                                    

•Hector's POV•

Nakikita ko ang malaking pagbabago kay Georgina. Sobrang napakalaki ng kanyang pinagbago. Mas lalo pang naging mahina ang kanyang katawan, ang kanyang memorya ay unti unti ng naglalaho. Maging ako ay nakakalimutan niya minsan kahit sila Tita at ang governor. Matagal bago niya matandaan ang sinuman sa amin.

Marahil tama nga si Georgina. Bakit hinihiling namin kay Lord na mabuhay pa siya gayong sobra sobra na ang kanyang paghihirap? Wala akong magawa kundi tanggapin at ihanda ang aking sarili sa mga susunod na mangyayare. Kailangan kung maging matatag at ganon din sila Tita.

Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang lahat ng mga sinabi ni Georgina kanina. Patuloy pa rin akong nahahabag sa kanya at paulit ulit na nilalamon ng aking konsensya.

Masama bang humiling para madagdagan pa ang buhay niya? Masama bang palakasin siya despite of her condition? Bakit sumusuko na siya?

It's already 6pm in the evening, umuwi na rin sila Kara at Dylan habang ako naiwan sa mansyon. Nag-aalala ako kay Georgina. Gusto kong nasa tabi niya ako. Ayukong umalis sa kanyang tabi dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala na siya.

Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakahiga siya sa kama at nakapatong ang ulo niya sa hita ko.

“Are you okay?” ang tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin. Deretso ang kanyang mga tingin at walang expression sa kanyang mukha.

“Mister!” ang bigla niyang sabi at kasunod nun ang pag ngiti niya ng malapad. Marahil hindi niya ako matandaan kanina.

Ngumiti ako ng pilit but deep inside sobrang sakit sa akin dahil hindi niya ako matandaan. Hinaplos haplos ko pa ang kanyang buhok. Iniisip ko na sana hindi na matapos ang gabing ito. Sana wala ng bukas. Sana hanggang dito na lang ang hangganan upang sa ganon hindi na dumating ang araw ng kanyang pagpanaw.

She's dying.

Ilang sandali pa ay pumasok sa loob si Tita at inaya niya kaming kumain. Napatitig ako kay Georgina ng tumanggi itong kumain. Pinilit pa siya ni Tita at maging ako pero hindi siya nakumbinsi instead humingi lang siya ng chocolate.

Paulit ulit ko siyang tinanong kung bat ayaw niyang kumain ang tugon niya ay mahina na ang kanyang panlasa. Naiintindihan ko ang kanyang point pero kailangan niya pa ring kumain. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal ng titigan ko siya.

“Iiwan mo na ba ako?” ang tanong ko pero parang hindi niya iyon narinig. Walang sagot sa tanong ko sa kanya instead hinawakan niya ang aking mukha.

“Sana hindi maglaho ang mukha mo sa aking isipan. Kahit dumating ang araw na mawala ang aking paningin o ang aking memorya gusto pa rin kitang makita sa madilim kung mundo.” ang seryusong saad niya. Ewan bigla akong naawa sa kanya. Alam kung sobra sobra na ang kanyang pagtitiis at paghihirap. Tama na siguro. Tama na.

“Lagi mong tatandaan kahit makalimutan mo ako, nandirito ka pa rin sa puso ko at hindi iyon maglalaho.” ang sagot ko sa kanya. Isang simpleng ngiti ang naging sagot niya sa akin.

Pinilit ko siyang kumain at sa huli ay kumain na rin siya kaya lang dalawang kutsara lang ay ayaw na niya. Nahihirapan daw siyang lumunok. Hindi na ako nagpumilit bagkos inunawa ko na lamang ang kanyang kalagayan. Gusto niyang lumaban kaya lang ang hirap manalo sa isang karamdaman na unti unting nagpapabagsak ng kanyang katawan.

Niyaya ko siyang umalis at pumayag naman siya. Nagpaalalay ako kay Tita sa pagbihis sa kanya. Halos balot na balot ang kanyang katawan maging ang kanyang mukha. Tulak tulak ko ang wheelchair palabas ng mansyon at dahan dahan ko siyang iniupo sa upuan ng sasakyan.

His MillionaireWhere stories live. Discover now