Chapter 27 : Farewell

3.5K 77 5
                                    

•Georgina's POV•

Marahan kung idinilat ang aking mga mata. Naramdaman ko na agad ang bigat sa aking katawan. Ang kirot na bumabalot sa aking kalooban. Inikot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto. Nag-iisa lang ako.

Kung ako ang tatanungin ito ang perfect timing na gusto kong mamatay. Tahimik. Nag-iisa at walang makakakita. Ayukong mamatay sa harap nila lalo na kila Mommy at Daddy. Ayukong makita ang sakit sa mga mata nila kapag binawian na ako ng buhay.

Hindi na ako magtatagal at ramdam ko iyon sa aking katawan. Ang paglalim ng aking mga mata, ang mga pasa sa aking katawan, ang paglabo ng aking mata, ang pagkawala ng aking pakiramdam, ang mas lalong pagsakit sa aking utak. Nakakapagod na. Gusto ko ng mamatay.

Nagawa ko na ang lahat ng pwede kung gawin. Nakasama ko pa sila at makitang masaya sila dahil iyon ang gusto ko. Ayukong malungkot kapag lumisan na ako.

Kahapon ng pumunta si Doc. Dylan ay mag-isa ko siyang kinausap, tinanong ko sa kanya kung ano ng kalagayan ko. Kung sobrang lala ko na? Kung ilan araw pa ang itatagal ko. Sabi niya malala na raw ang kalagayan ko which is two to three days na lang ang itatagal ko which is good atleast alam ko kung kailan ko dapat ihanda ang aking sarili.

Ngayon ko din nalaman, na hindi pala totoo ang diyos kasi kung totoo siya ay hindi niya ako hahayaang maging ganito. Lahat na nga yata ng santo tinawag ko na pero ni isa sa kanila hindi man lang ako pinakinggan. Hindi man lang ako tinulungan. Noong una, gustong gusto kong lumaban kasi may dahilan para lumaban ako sa sakit na ito. Nandiyan sila Mommy, si Daddy at si Hector. Gusto ko silang makasama pero bakit? Ganoon ba ako kasama para ito ang maging kapalaran ko? Naging mabuti akong anak at walang tinatapakang tao hindi ko deserve ang ganitong karamdaman.

Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili dahilan para mapaiyak ako. Marahang naglandas ang mga luha ko sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang sakit dahil sa sobrang kalungkotan. Napahikbi ako dahil malapit na ang katapusan ko.

Naiisip ko sila Mommy at Daddy. Ano kayang mangyayare kapag wala na ako? Sana madali nilang matanggap ang pagkawala ko. Ayukong magluksa sila ng matagal. Ayuko!

Iha?”

Hindi ko na napunasan pa ang luha ko ng biglang lumapit si Mommy. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa loob.

“Bakit? Bakit ka umiiyak?” ang alalang tanong niya.

“Mommy!” ang hagulhol kong sabi at mabilis na niyakap ko siya. “Mommy! Mommy!”

“Anak bakit?”

“Iiwan ko na kayo. Hindi niyo na ako makakasama. Mommy natatakot ako. Natatakot akong mamatay.” ang umiiyak ko pa ring sabi. Hinaplos haplos niya ang aking likod. Ramdam ko na umiiyak din si Mommy. Humihikbi siya ng tahimik at ninanamnam ang sakit na dulot ko.

“Wag kang matakot anak. Nandito lang kami ng Daddy mo. Kahit anong mangyare sayo, nakahanda na kami anak.”

“Mommy!” muli akong humagulhol at niyakap si Mommy ng mahigpit.

Kahit anong pigil ko sa aking sarili ay hindi ko talaga mapigilan ang maging mahina sa harapan nila. Sobrang mahal na mahal ko sila at alam kung magluluksa sila ng labis labis.

Pinatahan ako ni Mommy. Parang dati lang, nung bata pa ako lahat ng atensyon na dapat ilaan sa isang anak ay ibinigay nila sa akin. Hindi nila ako pinagdamutan ng pagmamahal. Binusog nila ako ng sobra sobra.

Gusto ko ulit maging bata. Makita sa mga mata nila ang sayang nakaguhit sa mga mukha nila. Ang sayang kahit kailan ay hindi mapapalitan.

Sa konting panahon na inilaan ko na makasama sila ay nakita ko ang pagtanggap nila sa akin kung sakali man. Alam ko nakahanda na sila sa posibleng mangyare sa akin.

His MillionaireWhere stories live. Discover now