Epilogue

8K 108 14
                                    

•Hector's POV•

In every love story, masasabi kung ito ang pinaka-tragic na love story na dumating sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang muli. Parang bumagsak ang mundo ko nung nawala si Georgina. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng never akong kinalimutan.

Sa buhay, darating tayo sa punto na mapapaisip kung bakit ganoon ang nangyare. Kung bakit kailangan nating masaktan at kung bakit kailangan nating mawasak.

Limang taon na ang nakakalipas mula ng mamatay si Georgina. Mahabang panahon na ang lumipas pero pakiramdam ko kahapon lang siya nawala. Araw araw ko pa rin siyang naaalala kahit pa may maganda na akong buhay ngayon.

Sa unang araw, buwan at taon na nawala ay sobra akong nahirapan. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kung saan ko hahanapin ang sarili ko. Sobrang sakit ng nangyare sa akin na akala ko hindi ko malalampasan pero sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin ay natanggap ko din na wala na si Georgina.

Naging matatag ako sa hamon ng buhay. Itinuon ko muli ang aking sarili sa pagpapatakbo ng aming kumpanya hanggang sa unti unti akong makarekober. May pagkakataon na bigla na lang akong malulungkot pero hindi ko hinahayaang lamunin ako ng sarili kung kalungkotan at pangungulila.

Huminga ako ng malalim at muling itinuon ang aking tingin sa hawak kung maliit na box. Binigay ito sa akin ni Tita(Mom ni Georgina) tatlong araw matapos mailibing si Georgina hanggang ngayon hindi ko pa rin binubuksan ang laman nito. Limang taon na ito sa akin at hindi ko pa rin alam kung anong laman nito. Kung ano ang nasa loob nito.

Gusto ko kapag binuksan ko ang laman nito ay totally healed na ako. Yung tipong hindi na ako masasaktan kapag may nakita akong mahalaga sa loob nito. Hindi pa ako handang buksan ito. Ibinalik ko pa nga ito kila Tita pero hindi nila ito tinanggap dahil para daw ito sa akin. Iniwan raw ito ni Georgina bago siya mamatay.

“Daddy!!”

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang pumasok sa loob ng aking kwarto ang tatlong taong gulang kong anak. Si Jeorge.

“Baby!” ang tawag ko rito at mabilis na binuhat siya.

Oo. May sarili na akong anak ngayon. Sobrang bilis ngang lumaki at talagang manang mana sa akin.

“Hays. Nakita mo ba---” hindi natapos ni Kara ang sasabihin ng makita niyang buhat buhat ko si Jeorge.

“Si Jeorge.” ang sabi ko.

“Sabi na nga ba e. Pupuntahan ka niyan dito. Tinakasan ba naman ako.” ang daing ni Kara.

Napangiti na lamang ako. Seeing her face it made me happy. Si Kara ang tumulong sa akin para makalimot, makarekober sa sakit na aking narasanan. Siya ang gumamot ng nagdurugong puso ko. Sa kanya ko naranasang muli kung paano mabuhay pa lalo na ng dumating ang anak namin. Nagbago na lahat. Napuno ng mga pangarap ang aking buhay.

“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin tinitinggan ang loob niyan. Ayaw mo bang malaman?” ang tanong niya sa akin ng makita niya ang maliit na box na nasa ibabaw ng bed namin.

“Hindi na muna siguro.” ang tugon ko at kinuha ang box saka inilagay sa drawer. Alam niya kung kanino galing ang box na ito.

“Matagal na panahon na ang nagdaan sweetheart, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya nakakalimutan?” ang tanong niya sa akin.

“Alam mo naman diba? Mahal ko si Georgina at hindi na magbabago iyon. Patuloy ko siyang mamahalin at sana ganon ka rin. Mabuti siyang tao. Nakita natin iyon nung nabubuhay pa siya.”

“Alam ko naman 'yon. At nagpapasalamat ako dahil naging bahagi ako ng buhay niya.” saad niya at kinuha si Jeorge na kalong ko. “Sige na magbihis ka na at baka mahuli pa tayo. Aantayin na lang kita sa baba.”

His MillionaireWhere stories live. Discover now