Chapter 29 : Her Wish

4.1K 75 2
                                    

•Hector's POV•

Mabilis kung pinaharurot ang sasakyan. Kulang na lang ay liparin ko ito sa sobrang pagmamadali. Sobrang lakas ng aking kaba na para bang may nangyareng hindi maganda. Halo halong emosyon ang aking naramdaman. Takot, kaba, pagkabalisa at pagkadurog ng aking puso.

Hindi ko rin maiwasang tanungin ang aking sarili kung bakit? Ngayon na ba talaga siya mawawala? Ngayon na ba siya kukunin sa akin? Para akong tanga dahil sa mga tanong na nabubuo sa aking isipan. Parang kinuyom ko ang aking puso. Sobrang lambot at durog na durog. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang aking luha.

Alam ko. Alam ko na ang mangyayare. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Tahimik na humihikbi at hinahayaang maglandas ang aking mga luha. Hindi ko pa man siya nakikita ay nakikinita ko na ang posibleng nangyare. Baka--wala na siya.

Kahit anong pilit kong maging matatag ay nanghihina pa rin ako. Nagiging marupok. Nagiging mahina. Hindi ko kayang makita siyang wala na.

Pagkadating ko ng mansyon ay siya namang bagsak ng malakas na ulan na may kasamang pagkilat at kulog. Sobrang lakas. Nakatayo ako sa may pinto ng mansyon. Inihahanda ang aking sarili sa posibleng makita ko sa loob. Ayuko! Huminga ako ng malalim saka pinindot ang doorbell. Inayos ko pa ang aking sarili. Ginawa kung kalmado ang aking isipan.

Isang malungkot na mukha ang bumukas sa akin. Si Tita. Bakas din sa mga mata nito na kagagaling lang sa pag-iyak. Mabilis niya akong niyakap at kasunod nun ay ang mahina niyang paghikbi.

“Tita.. Bakit?” ang mahinang tanong ko. Hanggang maaari ay ayukong malaman kung anong nangyare kay Georgina pero wala akong magawa kundi alamin ang totoo.

“Hector, mahina na si Georgina. Alam ko, oras na lang ang inaantay niya.” ang umiiyak na sabi ni Tita na siyang kinagulat ko naman. Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa aking katawan at parang tuluyan ng bumigay ang pondasyon na meron ako.

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang governor sa may pinto ng kwarto ni Georgina. Sobrang lungkot ng kanyang expression pero pilit niya pa rin itong nilalabanan.

Sobrang lungkot ng mansyon. Nakakabingi sa sobrang kalungkotan. Kung dati sa tuwing pumupunta ako rito ay boses niya na agad ang naririnig ko. Ngayon, wala na ang boses na iyon.

Dahan dahan kung ibinaling ang aking tingin sa loob ng kwarto niya at para bang tumigil ang mga sandaling iyon. Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso, ang oras, ang lahat ng bagay. Sobrang bigat ng aking mga paa na parang ayuko ng makalapit pa sa kanya. Muling naglandas ang mga luha ko palapit sa kanya. Sobrang nakakahabag ang kanyang sitwasyon at hindi ko kayang tiisin iyon.

“George?” ang tawag ko pa at hinawakan ang kanyang kamay. “George? Wakeup!” ang halos paos kong sabi dahil sa pagpigil kung humikbi. “Wakeup George.”

Napaiyak na ako ng tuluyan ng hindi siya sumasagot. Gumuho na ng tuluyan ang aking mundo.

“George wakeup! Gumising ka Georgee!!” ang madamdamin kung sabi.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

Ito ang isang bagay na kinatatakutan ko. Isang bagay na ayaw na ayaw na makita at maranasan ng lahat. Napaangat ako ng tingin sa kanya ng mapansin kung tumitibok pa ang puso nito.

“Tita, Tito... Bakit tumitibok pa rin ang puso ni Georgina?” ang tanong ko habang nakatingin kay Georgina. Nakapikit ito na parang wala ng buhay.

“Ang sabi ni Doc. Dylan, paralyzed na ang katawan ni Georgina. Hindi niya na maigalaw ang buong katawan. Oras na lang ang inaantay para kunin siya sa atin. Lumalaban pa rin siya Hector.” ang tugon ni Tita. 

His MillionaireWhere stories live. Discover now