Chapter 2 : The Old Woman

9.2K 133 0
                                    

•Hector's POV

"By the way I'm Hector. Hector Fernandez. " pagpapakilala ko sa kanya. Tinapunan niya lang ako ng tingin at muling sumandal sa bintana.

"Ikaw anong pangalan mo?? Kanina pa tayo magkasama pero hindi natin kilala ang isa't-isa. " sabi ko pa.

"Kailangan ba?? " iritang sabi niya sa akin.

"Yes of course. " mabilis kong sagot. Alam ko masyado na akong makulit sa ginagawa ko. "I mean, gusto lang kitang makilala. "

Tumingin siya sa akin na para bang kinakabesa niya ang aking itsura. Matapos nun ay agad niyang ibinalik ang tingin sa malayo at sumandal sa salamin.

Para naman akong napahiya dahil hindi man lang niya ako sinagot.

"Cristine. " tipid niyang sagot.

Sobrang ganda ng kanyang pangalan. Napatitig ako sa kanya habang nakatingin siya sa malayo. Ang lalim na naman siguro ng kanyang iniisip.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan baka mapaaga pa akong mawala. " sabi niya without looking at me. Napakaseryuso ng kanyang boses.

"Okay. Sorry. " saad ko at sumandal sa aking upuan.

Malayo layo na din ang nilalakbay ng bus na sinasakyan namin. Sa tantiya ko ay dalawang oras na ang nakakalipas. Gising pa rin siya at marahil iniinda niya ang sakit sa kanyang katawan.

Napansin ko ang panlalamig niya kaya mabilis kong iniwas ang aircon sa kanya. Nasa kanya pa din ang coat na pinahiram ko kanina.

"Salamat. " saad niya pa.

"Magpahinga ka na. Babantayan kita. " sabi ko.

Ngumiti siya. Yung ngiting pilit. Hindi maikakaila iyon sa mga titig niya.

"Nakakahiya naman sayo. Ang laki na ng naabala ko. Naperwisyo pa kita. " sabi pa niya.

"As long as okay ka, wala iyon sa akin. Magpahinga ka na. " sabi ko.

Nakatingin ako sa kanya na parang iba yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung awa ba ito o sadyang iba.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa pumikit ang kanyang mata. Sobrang wierd dahil kung ano-ano ang pumapasok sa aking isipan. Like : Ang ganda niya. "Hindi ko siya iiwan. " "aalagaan ko siya. "

Hays.

Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Wala akong karapatan na mag-isip ng ganito. Kasama niya ako dahil gusto kung tumulong. Kailangan niya ako.

Habang lumalalim ang gabi ay nakakaramdam ako ng pagkaantok pero hindi ako nagpatinag. Gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya na babantayan ko siya.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng aking pantalon at mabilis na nag online. Chinat ko agad ang kaibigan kong doctor regarding sa case ni Cristine. Ang dami pa nga niyang tanong sa akin like kung may plano ba daw akong mag-aral ng medicine. Sinend naman niya agad yung mga details at information na kailangan kong malaman.

Hays.

Napailing na lang ako dahil sa mga nabasa ko. Alam ko nararamdaman na niya ang mga symptoms ng isang may cancer.

Muli akong napatitig sa kanya na mahimbing pa rin ang tulog niya. Pero maya maya lang ay dumaing siya ng sakit sa kanyang ulo.

"Okay ka lang ba? "

"Oo. " mahina niyang sabi habang nakahawak sa kanyang ulo.

Tudo alalay naman ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayare. Baka mamaya mag seizure na lang siya bigla o kung ano pa man. Hindi ako handa sa ganito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

His MillionaireWhere stories live. Discover now