Chapter 14 : His Back

4.1K 82 2
                                    

•Hector's POV•

Gaya ng inaasahan ko pagbalik sa real world ay sandamakmak na sermon at complains ang dinatnan ko. Oo. Nagpasya na akong bumalik ng Maynila. Sandamakmak na trabaho ang sumalubong sa akin. Madami akong dapat pirmahan at asikasuhin sa negosyo. Iniwan ko na lang ito noon ng wala man lang pasabi. Si Ate naman hindi authorize na pumirma sa mga document dahil ako ang CEO.

Si Dad naman ay binungad ako ng isang walang katapusang sermon. Kung ano raw ang pinaggagawa ko sa buhay at nagawang iwan ang trabaho ng basta basta. Maraming investor ang nawala dahil sa kapabayaan ko. Muntik na nga akong masibat sa pwesto ko at bumaba ng ranggo kaya lang pinigilan ni Ate si Daddy. Sinabihan nito na wala pa siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo.

Akala ko pa naman ay mag-aalala ito at mamimiss ako pagbalik ko. Nalaman din ni Daddy kung saan ako galing at kung sino ang kasama ko dahil kay Dylan. Sinabi ni Dylan kay Dad ang totoo at sa Ate ko. Sobrang galit sa akin si Dad dahil sa iskandalong pinasok ko. Pwede akong kasuhan ng kidnapping sa ginawa kong pagsama kay Georgina.

Hindi ko alam kung paano ko dedepensahan ang aking sarili mula sa kanila dahil pakiramdam ko sila ang tama sa pagkakataon na 'to dahil kahit anong galing kung paliwanag kung baliwala lang iyon sa kanila. Useless!

Isang araw ang lumipas simula ng mangyare iyon. Hindi ko na siya nakikita at parang sobrang tagal na ng isang araw na iyon. Namimiss ko na siya. Hindi ko rin maiwasang malungkot lalo na at wala na ako sa tabi niya. Isa lang din ang alam ko, yun ang tinitibok ng aking puso.

Nasa isang exclusive hospital dinala si Georgina ayon kay Dylan. Siya ang nakuhang doctor ng pamilya ni Georgina. Every minute ay lagi kong tinatanong kong anong kalagayan nito. Madami ding private guard ang nakabantay sa labas ng kwarto nito kaya mahihirapan akong makapasok sa loob.

Ginawa kong abala ang aking sarili sa sandamakmak na mga papeles na kailangan kong pirmahan. Kailangan na kailangan ko na kasi itong matapos. Isang linggo din akong nawala kaya napalaban ako. Okay na rin atleast hindi ko alintana ang takbo ng oras.

“Mukhang busy ang aking kapatid.” sabay upo nito sa upuan.

“Happy?” ang walang emosyonal kong tanong sa Ate ko.

“Anong klaseng tanong iyan?” napatingin ako sa kanya. “Oh bat ganyan ka makatingin?!”

Kilalang kilala ako ng Ate ko. Paano ba naman parang baby niya ako kung ituring. Ever since nung bata pa kami ay talagang close na kami nito.

“I'm tired!” daing ko dahilan para mapangiti siya.

“Little brother deserve mo 'yan. Kung nakita mo lang si Dad na galit na galit nung wala ka dito. Hay naku! Halos hindi alam ang gagawin! Paano ba naman ang magaling niyang anak nawawala.” kwento nito sa akin. Ginaya niya pa talaga si Dad kung paano ito magsalita.

Napailing-iling na lang ako habang nakatingin pa din sa kanya.

“Ate naman! Edi sana ikaw na ang pumirma nito! Hindi yung tatambakan mo ko ng mga 'to!”

“Wow!? As if ako ang CEO ng kumpanyang 'to. FYI little brother trabaho mo kaya 'yan.”

“Eh bakit ba kasi ayaw mong maging CEO? Well infact ikaw nga 'tong matalino sa atin.” ang sabi ko pa.

“Enough! Okay!? You know naman diba? Mas magaling ang mga lalake compared sa aming mga babae! We're weak at ayuko namang bumagsak ang kumpanya dahil sa akin.”

“Hindi lahat ng magaling ay mga lalaki. May kakayahan din kayo na hindi namin kayang gawin. Or takot ka lang na masisi!?”

“Fine! Fineee! Happy?” pagsuko niya dahilan para mapangiti ako at mabilis na tumayo at niyakap ko siya.

His MillionaireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora