Chapter 10 : The Newspaper

4.3K 98 2
                                    

•Hector's POV•

***

“Napapansin ko na iba ang tingin mo sa kanya. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo ng balikan si Kara?” ang tanong sa akin ni Dylan.

“Dylan.”

“Dude I know kahit hindi mo aminin alam kong espesyal siya sayo.”

Napayuko na lang ako at pilit iniintindi ang aking kaibigan.

“She's sick Dude! Anong mapapala mo sa kanya!?”

“Wag mo kong tanungin ng ganyan. Ang alam ko lang ngayon ay mahal ko siya.”

“Mahal o naaawa ka lang? Tandaan mo magkaiba ang mahal sa naaawa. Hindi kita masisisi kung iyan ang tinitibok ng puso mo.”

Muli akong lumagok ng alak at tumingin sa malayo.

“Hindi ko siya kayang iwan.” napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin. “Oo, mahal ko pa rin si Kara pero sa pagkakataon na 'to mas pipiliin ko siya kaysa kay Kara. Say things that you want to say! Wala akong pakialam.”

Hindi man niya maintindihan kong anong pinaglalaban ko at kung anong dahilan ko. Pinili ko si Cristine dahil nakita ko sa kanya ang pagiging positibo kahit alam niyang nalalapit na ang kanyang hangganan.

“I'm sorry.” he said at muling uminom ng alak. “She looks familiar dude parang nakita ko na siya somewhere on TV. Hindi ko lang matandaan kung saan.”

Really?

Tumango naman siya. Familiar?

***

Napakurap ako sa aking iniisip. Hindi pa rin kasi makawala sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Dylan bago siya umalis. Nakatingin ako sa kisame habang nakahiga. Kung nagsasalita lang ang kisame ay marahil kanina pa ako nito kinausap. Kanina pa ko nakatitig at paulit ulit kong naririnig ang mga sinabi sa akin ni Dylan.

Ano ba talagang pagkatao meron si Cristine? Hanggang ngayon kahit nakuha na niya ang loob ko ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang mga nakaukit na tanong sa aking isipan. Hindi pa rin masagot kung bakit mas pinili niyang manatili sa lugar na ito. Sa remote island na kagaya nito.

Nakakapagduda pa rin.

Hays.

“Mister.” napabalikwas ako ng higa at tumingin kay Cristine na nasa pinto ng silid niya. “Okay ka lang ba diyan?”

“Oo.” tipid kung sagot.

“Pasensya ka na ha. Alam ko iniisip mo ang sitwasyon ko.”

“Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo. Hindi ko sinunod ang promise ko sayo. Sorry ha kung nagpadala ako ng doctor dito.”

“Sorry. Alam ko nahihirapan ka na sa akin. Kung wala lang akong sakit hindi ka na sana mag-aalala pa.”

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Naramdaman ko kasi ang paglungkot ng boses niya na anytime ay iiyak na naman siya. By this time, hindi ko hahayaang umiyak ulit siya.

“Wag kang mag-isip ng ganyan. Ginagawa ko 'to dahil mahal kita.” iniwas niya ang tingin sa akin na parang nahihiya sa sinabi ko dahilan para yakapin ko siya.

Ako lang ata ang nakakaramdam ng ganito. Sobrang saya ko dahil kasama ko siya. I know hindi ganon kaganda ang sitwasyon namin ngayon pero sisikapin ko.

Pinilit niya kong tumabi sa kanya dahil nahihirapan na raw ako. Naririnig niya daw ang daing ko kapag gumigising ng umaga. Hindi rin ako makatulog ng maayos sa kawayang upuan na tinutulugan ko. Sobrang sakit ng aking likod na para bang daig ko pa ang nagbuhat ng ilang kilo sa maghapon.

His MillionaireWhere stories live. Discover now