Chapter 11 : The Truth

4.4K 95 3
                                    

•Hector's POV•

“Mister!” ang tawag niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil naguguluhan ako ng sobra.

“Why did you not tell the truth?” ang seryusong tanong ko.

“Mister a-anong totoo----”

“Damn!” ang sigaw ko at malakas na sinuntok ang pader na kinatatayuan niya. “Stop lying!!”

“A-ano bang ibig mong sabihin!? Ayuko ng ganito!” ang maluha luha niyang sabi pansin ko din ang panginginig ng kanyang katawan. Damn!

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Nurse Mary marahil tumakbo ito papasok sa kubo ng marinig ang sigaw ko pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.

“It is true na anak ka ng governor!? Tell me!” pareho silang nagulat sa tanong ko. Dahan dahan siyang tumango at kasunod nun ang pagbagsak ng kanyang luha. “Why!? Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin!? Hindi mo ba alam na hinahanap ka nila ngayon at may malaking pabuya ang nakapatong sayo para lang bumalik ka sa kanila!?”

Hindi ko talaga maintindihan kung anong rason niya at bakit kailangan niyang magsinungaling at kung bakit kailangan niyang itago kung ano ang totoo.

“Pwede akong makulong dahil sa pagtulong ko sayo!” muli kong naikuyom ang aking kamao at pinagsusuntok ang pader.

Gusto kong ilabas ang galit ko dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin.

“Mister I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. I'm lying. Ginawa ko iyon dahil----”

“Dahil ano!! Dahil gusto mo kong gaguhin!? In the first place ako ang nagmagandang loob na tumulong sayo tapos ganito pa ang igaganti mo!” ang galit kong sabi at wala namang tigil ang buhos ng kanyang luha.

“I'm sorry.” ang umiiyak at paulit ulit niyang tugon.

“Hector tama na baka mapano si Ma'am Cristine!” ang saway sa akin ni Nurse Mary at agad na lumapit sa kanya.

“Maria Georgina Chavez.” ang sabi ko sa kanya. Pareho silang nakatingin sa akin. “This is all LIES. Walang totoo dahil sa simula pa lang puro kasinungalingan na ang lahat! Bakit kailangan mong magpalit ng pangalan?!”

“D-dahil ayukong malaman mo ang totoo.” umiiyak niyang sabi.

“Hector tama na.” ang saway sa akin ni Nurse Mary. Napatingin ako sa kanya at umiling iling.

“Alam mo ba rin ba ang totoo Nurse Mary? Bakit? Bakit inilihim niyo sa akin ang totoo? Hindi ko lang talaga matanggap na kaya niyo akong lokohin. Nagtiwala ako sa ikalawang pagkakataon but I'm very disappointed.” ang inis kong sabi.

Sari saring emosyon ang namayani sa akin ngayon. Parang nangyare ulit sa akin ang nangyare sa akin noon. Too much trust will kill you.

Ayuko siyang tingnan dahil naaawa ako. Kailangan kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako at nasaktan sa ginawa niya.

“Mister pakinggan mo naman ako. Pakinggan mo ko.” ang nanghihina niyang sabi sa akin habang nakaalalay naman si Nurse Mary.

Umiling iling naman ako. Walang tigil ang luhang bumabagsak sa kanyang malungkot na mga mata. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para mawala ang lungkot sa kanyang mga mata.

“That's the only reason para walang makakilala sa akin. Gagawin ng Papa ang lahat para lang mahanap ako.”

“Bakit ka tumakas ng ospital?” ang tanong ko. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ayaw niyang bumalik ng ospital ng araw na iyon dahil planado niya na ang gagawin.

His MillionaireWhere stories live. Discover now