Chapter 30 : The Ending

6.1K 86 11
                                    


•Hector's POV•

Mabilis ang mga kilos ko pauwi ng bahay. Para bang may hinahabol ako. Para bang ilang segundo, minuto na lang ang natitira sa akin. Bawat sandali ay mahalaga. Kailangan kung bumalik agad sa mansyon at ihanda ang aking sarili. Pakiramdam ko, konting oras na lang ang nalalabi kay Georgina.

Nagpaalam ako sa kanya saglit dahil kailangan kong kumuha ng gamit ko papunta sa isla. Dadalhin ko siya ngayon sa isla kung saan niya nais pumanaw. Alam kong nakalimutan na niya ang kanyang nais bago siya mawala. Kahit hindi niya makita ang batang nagligtas sa kanya ay gusto ko pa din matupad ang gusto niya.

Gusto niyang mawalan ng hininga sa islang iyon.

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako nila Mommy at Daddy. Iisa ang kanilang reaksyon. Mabilis kong niyakap si Mommy at ganon din si Daddy. Niyakap ko sila na parang isinusuko ko na ang lahat. Gusto ko ding maibsan ang bigat sa aking dibdib. Alam kong ito lang ang paraan para maging matatag ako.

Umakyat ako sa taas at agad na tinungo ang kwarto ko pero bago ako makapasok ay nakita ko si Ate na nasa labas ng kwarto ko at may hawak hawak na papel.

“Hector, may itatanong ako. Kilala mo ba ito?” sabay pakita niya ng pad sa akin. Hawak niya ang isa sa mga ginuhit kong nasa sketch pad.

Mabilis ko itong hinablot sa kanya.

“Hindi ko siya kilala. Lagi ko siyang napapanaginipan kaya naiguhit ko siya.” ang saad ko at pumasok sa loob ng kwarto ko.

“Parang nakita ko na siya noon Hector or parang nakita na natin siya noon.” ang sabi pa ni Ate. Napatigil ako sa pagkuha ng damit sa closet saka humarap sa kanya.

“Kilala mo siya?” ang tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. “Papano? Paanong nakilala?”

“Sandali ha. May kukunin lang ako sa kwarto.” ang sabi niya. Naiwan ako sa loob na nakahang at nabalot ng tanong ang aking isipan. Gayunpaman ay pinagpatuloy ko ang paglagay ng damit sa bag ko.

“Hector.” ang tawag sa akin ni Ate at agad na pumasok siya sa loob. Naagaw ng aking mga mata ang dala niyang album. Hindi ko alam kung anong meron. Puno pa rin ng pagtataka ang aking mukha habang nakatingin sa kanya.

Ibinuklat ni Ate sa akin ang album at hinanap ang larawang iyon.

“S-sigurado ka ba?” ang nauutal kong sabi habang pinagpapalipat-lipat niya ang mga larawan.

“Oo. Sigurado akong nakita na natin siya. Hindi ko lang talaga matandaan kung anong pangalan niya at kung saan natin siya nakilala.” napatigil siya sa pagsasalita at maging ako sa aming nakita.

Isang larawan ng kabataan ko. May kakaibang saya ang gumuhit sa aking puso.

“Ako ito Hector tapos ikaw naman ito.” ang turo niya sa picture. “At saka sino ba ito?” natahimik si Ate habang ako nanatili lang na nakatingin sa batang babae na nasa tabi ko. Wala pa kaming mga suot dahil mga bata pa kami at hindi pa uso ang malisya. Kamukhang-kamukha niya talaga ang mukha na iginuhit ko sa sketch pad.

“Gigi?” ang hindi siguradong sabi ni Ate dahilan para magtaasan ang aking balahibo kasunod nun ang paglakas ng tibok ng aking puso.

“Gigi?” ang pag-uulit ko pa.

“Yes Gigi! Remember!? Siya yung batang sinagip mo noon.”

“Sinagip?” ang tila hindi ko maintindihang sabi niya. Posible bang magkatugma ang nasa panaginip at sa totoong nangyare sa buhay. Hindi ko pa rin matandaan.

“Oo Hector! Sinagip mo si Gigi. Yun nga lang pati ikaw muntikan ng malunod mabuti na lang at may nakakita sa inyo.”

“T-teka. Hindi ko maintindihan Ate. Bakit wala akong maalala? Bakit wala akong matandaan? Bakit napapanaginipan ko ang tagpong iyon?” ang naguguluhang sabi ko.

His MillionaireWhere stories live. Discover now