Chapter 24 : Her

3K 70 10
                                    

•Hector's POV•

Simula ng ipikit ko ang mga mata kagabi ay hindi ako pinatulog sa kakaisip. Alam niyo yung, nakapikit ang mga mata mo pero bukas ang isipan mo? Ang utak mo na walang tigil sa kakaisip at takot na takot. Sa huli, ididilat mo ulit ang mga mata mo at walang humpay, walang tigil sa pag-iisip.

Wala akong tulog simula kagabi hanggang ngayong umaga. Paulit ulit na nakatitig sa larawan ni Georgina na nasa portrait. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang aking panaginip. Ewan, lagi kong napapanaginipan ang tagpong iyon. Isang batang babae at isang batang lalake. Hindi ko matandaan ang mukha nila pero ang tawa nila ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon. Parang nangyare sa totoong buhay at hindi lang iyon basta panaginip.

Sino ang batang babae at batang lalake sa panaginip ko?

Nagpaalam ako kay Dad na hindi na muna ako papasok dahil kailangan kung puntahan si Georgina. Nag-aalala pa rin ako lalo na sa nangyare kagabi. Tahimik akong nagmaneho pero yung utak ko punong puno ng mga iniisip like kung okay na ba siya? Sana okay na siya.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako ng mansyon. Kakaiba ang aking nadarama ngayon. Sobrang bigat ng atmosphere. Ang lungkot ng mansyon, sobrang payapa ng paligid. Ang lungkot. Sobrang lungkot!

Huminga ako ng malalim at tuluyan na nga akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa main door ng mansyon doon ay nakasalubong ko si Tita. Tinanong ko sa kanya kung ano ng kalagayan ni Georgina. Isang malungkot na sagot ang iginawad niya sa akin.

“Kanina ka pa niya inaantay.” ang sabi sa akin ni Tita. Tumango lang ako at tinapik ko siya sa kanyang balikat. Alam ko kung gaano kalungkot ang dinadala nila Tita at ang governor.

Marahan ang aking mga hakbang na para bang hindi ako makakabasag ng kung ano. Nasa living room pa lang ako ay dinig na dinig ko ang mga tawa niya kahit pa may kalayuan ang kanyang kwarto mula rito sa living area.

‘May kausap siya?’ ang tanong ko sa aking isipan at muli ko na namang narinig ang kanyang mga mata kaya dinalian ko pa lalo ang aking paglalakad.

“I told you.” she laughed.

Sabay silang napalingon sa akin ng buksan ko ang pinto ng kwarto ni Georgina.

Kara?

Mister? Ikaw na ba 'yan?” ang tanong ni Georgina habang inaaninag ako. Mahina na ang eyesight ni Georgina kaya nahihirapan siyang makita ako.

Hindi ako kumibo instead nakatingin lang ako kay Kara. Nagtataka at naguguluhan kung anong ginagawa niya dito. Maging siya ay nakatingin sa akin at agad na naglakad palapit sa akin.

“What are you doing here?” ang mahinang tanong ko.

“Don't worry hindi ako manggugulo. Nandito ako para tumulong.” ang seryusong sabi niya sa akin. Deretso ang kanyang tingin sa akin at ganon din ako sa kanya.

“Really?”

“Ganon na ba ako kasama Hector?! I'm just helping. Other than that, wala na.” she said in a low voice.

Hindi na ako nakasagot pa dahil muli akong tinawag ni Georgina kaya lumapit ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at kita ko ang mga ngiti niya sa kanyang labi. Masaya niyang kweninto sa akin si Kara. Natatawa siya sa akin habang kwenikwento niya sa akin ang napagkwentuhan nila. Sinakyan ko na lamang iyon. Wala siyang ibang masabi kundi mabait si Kara, maganda, matalino at higit sa lahat mabuting tao.

Sumang-ayon lang ako sa kanyang mga sinasabi.

Nakaupo ako sa isang tabi habang pinapanuod ko silang tumitingin sa album picture na hawak ni Kara. Masaya ako dahil kahit paano ay nakakaaninag pa rin siya at masaya niyang kinukwento kay Kara ang kanyang masasayang nakaraan. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti lalo na at ang saya saya ng kanyang expression.

His MillionaireOn viuen les histories. Descobreix ara