Chapter 19 : The Truth

3.9K 84 9
                                    

•Hector's POV•

“Can we talk?” ang saad ko kay Dylan ng pumasok ako sa opisina niya.

Niyaya niya akong lumabas ng ospital. Binigyan niya ako ng isang yosi at agad na sinindihan ito.

“May kailangan akong malaman at alam kung ikaw lang ang makakasagot nito.” ang tanong ko matapos humithit ng yosi.

Ibinuga ko iyon sa kawalan upang gumaan kahit paano ang aking dibdib. Stress reliever din kasi ang yosi kaya maraming naaadict dito. Don't worry hindi naman ako araw araw nagsisindi ng yosi kapag naisipan ko lang.

“About what? Georgina's condition?” ang tanong niya sa akin. Itinapon niya ang yosi at inapakan ito.

“No. About Kara.” ang saad ko.

“Kara? Anong gusto mong malaman kay Kara?” tiningnan niya ako ng deretso at nakipagsabayan ako. Iniwas ko ang aking tingin at itinapon ang yosi.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng tiyempo kong paano ko itatanong sa kanya.

“Gusto kong malaman kung bakit iniwan niya ako noon.”

“Seryuso? You wanted to know?”

“Alam kung alam mo ang dahilan. Alam kung nagsinungaling siya sa akin. Tell me Dylan.” ang saad ko.

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Ngumiti pa nga siya ng nakakaloko saka tumingin sa akin.

“Sinabi ba sayo ni Kara?”

“Ayaw niyang sabihin. Gusto kong malaman ang totoo.”

“Hector, akala ko alam mo ang dahilan kung bakit ka niya iniwan noon.” umiling-iling pa siya sa kawalan bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi mo alam na nabankrupt ang kumpanya nila?”

“Bankrupt?” ang tanong ko.

“Bumagsak ang kumpanya nila at tuluyang nabaon sa utang. In return kinausap ni Tita---”

“Si Mommy?” tumango ito saka lang nag process sa utak ko ang buong scenario.

Hindi natuloy ang kasal namin ni Kara dahil pinigilan ito ni Mommy! Nilayuan ako ni Kara dahil ito ang kagustuhan ng parents ko. Ang hindi matuloy ang kasal dahil wala ng yaman ang pamilya ni Kara.

Sa mundo ng mayayaman, pera ang basehan at koneksyon sa bansa ang labanan para maging matatag ang pundasyon ng dalawang partido.

“Akala ko alam mo lahat! Hindi ka iniwan ni Kara. Pinaglaban ka niya kay Tita pero wala siyang laban. Rule is rule! Ano pa nga bang maihaharap ng pamilya ni Kara kung baon na ito sa utang! Alam mo ang dahilan kung bakit kayo pinagkasundo. Because of money! Because of property! Connection! Power and wealth!”

Out of nowhere ay bigla ko na lang sinipa ang gulong ng sasakyan ko. Hindi ko maipaliwanag ang galit na aking nararamdaman. Sobra akong nahirapan! Bakit kailangan gawin niya iyon.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin! Bakit hinayaan niyang umalis at magpakalayo! Alam mo Dylan kung ano ang pinagdaanan ko just to forget her! Why!?”

“I'm sorry Bro. Akala ko talaga alam mo.” ang paghingi niya ng paumanhin.

All this time ay pinaniwala ako ng sarili ko na iniwan ako ni Kara dahil hindi niya ako mahal. Bakit kailangan niya pang magsinungaling sa akin at sabihin na hindi na siya masaya, na hindi pa niya kayang maikasal sa akin! Bakit!?

Bakit kailangan niyang itago ang lahat ng katotohanan sa akin!? Ang daming panahon ang nasayang! Nasayang lang lahat.

Litong-lito ang aking isipan ng umuwi ako ng mansyon. Pagdating ko ng mansyon ay agad na tinanong ko si Mom at Dad. Gusto kong malaman ang buong katotohanan.

His MillionaireWhere stories live. Discover now