Chapter 15 : Pool Party

3.9K 70 6
                                    

•Hector's POV•

Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng mansyon kasunod ko naman si Ate. Binati kami ng mga maids ng mansyon ng makitang papasok na kami. Hindi na sila iba sa amin dahil simula nung bata pa kami ay sila na ang kasakasama namin. Their part of the family.

Nakasalubong ko si Mom kaya niyakap ko ito. Mabuti raw at bumalik na ako dahil hindi raw mapakali si Dad sa sobrang pag-aalala sa akin. Deep inside natuwa ako sa aking nalaman dahil kahit paano alam kung mahal pa rin kami ni Daddy. Masyado lang talaga siyang mahigpit sa amin lalo na sa kumpanya and most especially hindi siya showy na father.

“Hi Mom.” ang bati naman ni Ate kay Mom.

“Mabuti naman at sabay kayong nakauwi.” ang tugon naman ni Mommy.

“Family night diba?” my Ate said.

Naglakad kami patungo sa dining area. May kalayuan din ito mula sa living room dahil sobrang laki ng mansyon. Tinanggal ko ang coat na suot ko at binitbit na lamang ito.

“How's your day my son?” ang tanong ni Mom sa akin.

“Hay naku Mommy sandamakmak lang naman ang sumalubong sa kanya.” ang sagot ng aking Ate dahilan para magtawanan sila.

“Exactly Mom. Well infact, kulang pa nga iyon.” ang pabiro ko pang sabi dahilan para magtawanan kami.

“Hi Dad!” ang agad na bati ni Ate kay Daddy.

“Mukhang ang saya saya niyo ah?” ang tugon naman ni Dad at lumapit na nga si Ate rito at hinalikan ito sa pisngi. Binati ko naman si Dad. Well medyo may awkwardness lang na konting konti.

Seryuso lang talaga si Dad kaya iisipin ng lahat na lagi itong galit na parang may iniisip pero ang totoo umaapaw ang ngiti nito.

“Hi Tita.”

“Kara!” ang masayang bati ni Mom at halos mastatwa ako ng makita ko si Kara na abala sa paglalagay ng plates sa mesa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong natulala sa kanyang kagandahan. Wala pa ring pinagbago ang ganda niya. Katulad na katulad pa rin ng dati. She looks descent and professional.

“Hi Kara.” ang bati naman ni Ate.

“Anong meron Mom?” ang tanong ko. Nginitian ko si Kara ng dumako ang tingin niya sa akin. Ewan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang naiilang ako at hindi kumportable.

Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Ate sa akin na parang sinasabi niyang I need to be nice saka siya ngumiti.

Okay. Nagsipag-upuan na kami para kumain. Isa isa namang binababa ng mga maids ang pagkain sa table. Hindi ko inexpect na lilipat ng upuan si Kara at tumabi sa akin. Isang matamis na ngiti ang kanyang ipinukol sa akin.

Alam ko at nakikita ko sa vision ko na nakasunod ang tingin nila Mom and Dad sa amin. Ayukong maging bastos sa paningin nila kaya tumayo ako at inalalayan siyang maupo.

“Thank you.” ang mahina niyang sabi sa akin.

Ayukong isipin ni Kara na ginagawa ko ito dahil may nararamdaman pa ako sa kanya o kung ano man ang iniisip nila Mom and Dad. Ginagawa ko 'to dahil isa akong gentleman.

“You know what bagay pa rin kayo kahit matagal na ang lumipas.” ang kumento ni Mommy.

“Exactly. Well, we're always open for you Kara.” ang segunda naman ni Dad.

Nagpalipat-lipat ang aking tingin kila Mom and Dad. Wala akong nagawa nung tiningnan nila ako. Hindi rin ako komportable lalo na at katabi ko si Kara. Naiilang ako unlike dati na halos hindi kami mapaghiwalay.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon