Chapter 20 : Reincarnation

3.8K 78 5
                                    

•Hector's POV•

Totoo ba talaga na pwede pa nating mabuhay kapag nawala na tayo sa mundo? Wala namang ganon diba?

Nakaupo ako habang nakatingin kay Georgina. Nakaupo siya sa kanyang kama at abala sa pakikinig ng music. Sinamantala ko ang pagkakataon upang titigan siya.

Hindi rin mawaglit sa aking isipan ang natuklasan ko kagabi at patuloy na ginugulo ang aking isipan.

*** F L A S H B A C K

“Dumating na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan.” nagulat ako ng bigla niya akong hawakan. “Ako at si Georgina ay iisa.”

“Ano?” halos manlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya.

Maayos naman siyang tingnan at hindi ko rin masasabi kung may sira siya sa kanyang utak. Tinitigan niya ako ng malalim. Isang nakakatakot na tingin.

“Sumama ka sa akin.” ang saad niya at nag-umpisang naglakad sa gawing kanan. Ayuko sanang sumunod sa kanya kaya lang parang may kusa ang aking mga paa sa paghakbang.

Gusto ko din malaman kung may katotohanan ba ang mga sinasabi niya.

Hindi mawala sa aking isipan ang mga agam-agam na namuo sa aking sarili. Nariyan ang pag-isipan ko siya ng masama. Ang hindi dapat magtiwala sa kanya. Pero sa huli nanaig pa rin ang nais kong malaman ang totoo sa kanya.

Dinala ako ng aming mga paa sa isang lumang buhay. Yari sa bato ng sinaunang ninuno ang pagkabuo ng bahay. May kalumaan na rin ito dahil sa tagal ng panahon. Ngayon ko lang din napagtanto na may ganitong bahay pa pala.

Madilim sa loob ng bahay ng makapasok ako. Hindi ko rin maiwasang kabahan na tila ba'y nasa isang haunted house ako. Isang lampara ang nakita ko sa di kalayuan. Para akong bumalik sa nakaraan.

“Lola?” ang tawag ko pero wala akong sagot na narinig.

Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makalapit ako kung saan nakalagay ang isang lampara na nagbibigay liwanag sa loob ng bahay.

Halos manlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Mga larawan ng unang panahon. Isa na dito ang pamilyar na mukha na nakita ko. Si Georgina. Nakasuot siya ng baro't saya habang may kulay pulang telang nakalagay sa kanyang ulo.

Ito ba ang nais ipahiwatig ni Lola sa akin? Hindi ko rin maintindihan kung bakit kamukha ni Georgina ang dalagang nakaguhit sa larawan.

Muli kung tinawag si Lola at lumapit naman agad ito. Doon ay tinanong ko siya kung anong ibig sabihin ng nasa larawan. Nakipagsabayan ako sa mga titig niya sa akin.

“Lola bakit po may larawan kayo ni Georgina?” ang tanong ko.

“Ako ang nasa larawan iho.” napatitig ako sa mga mata ni Lola. Binabasa ko ito kung nagsasabi ba siya ng totoo o nanlilinlang lang “Matagal na panahon na ang nakalipas mula ngayon. Kamukhang kamukha ko talaga si Georgina. Ang babaeng iniirog mo. Nung araw isa ako sa pinaka-iingatan ng aming pamilya hanggang sa sapilitan akong pakasalan ng isang espanyol. Doon ay naging miserable ang buhay ko.” ang kwento niya sa akin.

At some point, doon ko lang naintindihan ang ibig sabihin ni Lola. Iniisip niya, na siya at si Georgina ay iisa dahil magkamukha sila. Magkapareho.

Hindi ko maiwasang itanong sa kanya kung bakit pinipilit niya na siya ay si Georgina. Napakamisteryosa ni Lola.

Marahil may problema siya sa kanyang pag-iisip. Marami na akong na-encounter na ganito. Oo marahil magkamukha sila pero hindi ibig sabihin nun ay iisa sila. Hindi! Malabo at walang ganon.

His MillionaireWhere stories live. Discover now