Chapter 3 : The Island

6.9K 126 1
                                    

•Hector's POV•

Dahan dahan akong nagising dahil sa sinag ng araw. Napakaganda ng aking nakikita habang nakangiti siya. Para siyang anghel na nasisinagan ng araw.

Kinusot ko ang aking mga mata. Namamalikmata lang pala ako. Tiningnan ko siya na nakamasid sa akin.

“Nakatulog ako. ” sabi ko.

“Nandito na tayo. ” tugon niya sa akin.

Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. Ang daming tao sa labas. Yung iba naman ay nag-aagawan na makakuha ng costumer na magpapabitbit ng mga bagahe. Porter yata ang tawag sa kanila.

Inayos ko ang aking sarili para alalayan siyang bumaba.

“Mister, sigurado ka bang gusto mong sumama?? Mahihirapan ka lang sa akin. Ayukong maging pasanin mo. ” seryuso niyang sabi sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

“Gusto kong makatulong sayo kahit sa konting paraan. ”

“Pero sobra sobra na ang ginagawa mo. In the first place, hindi mo naman kailangan. Hindi mo naman ako kilala. ” sabi pa niya pero hindi ako nagpatinag.

“Let's go. ” aya ko sa kanya. Mabuti na lang at hindi na siya nagsalita. Inalalayan ko siya hanggang sa makababa kami ng bus.

Sobrang ingay ng mga porter sa labas. Nagtatanong sila kung sino ang magpapabuhat ng kanilang dala.

Tumingin ako sa malayo at nakita ko na nga ang pier. Marahil dito kami sasakay papuntang isla. Sa beach na gusto niyang puntahan.

“Sasakay ba tayo ng bangka? ” tanong ko. Tumango naman siya.

“Tara. ” pag-aya ko at hinawakan siya sa kanyang kamay sabay pa kaming nagkatitigan dahilan para mailang ako at binitawan ang kamay niya ng dahan dahan.

“Ma'am Cristine! ”

Sabay kaming napalingon sa kanan kung saan nagmula ang boses na iyon. Isang babaeng morena ang agad na lumapit sa amin. Maydala pa nga siyang sign board na pangalan ni Cristine.

“Nurse Mary?? ”

“Opo ako nga. Buti naman po at okay kayo. ” sabi pa nito at agad na kinuha ang wheelchair at inilagay sa harapan niya. Naupo naman si Cristine marahil nangalay ito. “Akala ko po Ma'am kayo lang mag-isa. May kasama pala kayong gwapong nilalang. Boyfriend niyo po?? ” tanong nito sa kanya.

“Nurse Mary si Hector. Hector si Mary. ” pagpapakilala niya. Agad naman akong nakipagkamay sa kanya. Nginitian ko din ito na siyang kinakilig ni Mary.

Seriously??

“Boyfriend niyo po? ” muli niya pang tanong dito.

Tumingin sa akin si Cristine na parang binabasa ako. Marahil naguguluhan siyang sagutin ang tanong ni Mary kaya ako na ang sumagot.

“Bodyguard niya. ” tugon ko.

“Ang pogi naman po ng bodyguard mo. ” sabi pa nito pero hindi na iyon pinansin ni Cristine.

Tahimik lang ito habang naupo sa wheelchair. Umaga pa lang pero tirik na tirik na ang araw. Mahaba haba din ang nilakad namin bago kami makarating sa port. Inalalayan kami ng crew ng bangka na makasakay kami ng maayos.

Ito ang unang beses na makakasakay ako ng bangka. Wala naman siguro akong takot sa ganito.

Binigyan kami ng pagkain ni Mary na kanina pa pala niya binili tapos every 30 minutes lagi niyang tinatanong si Cristine kung okay lang ba ito.

Pinagmamasdan ko lang siya at pinakikiramdaman dahil hindi ko naman sila ganap na kilala. Gusto ko rin makakuha ng information tungkol sa pagkatao ni Cristine.

His MillionaireWhere stories live. Discover now