Special Chapter

6.3K 117 22
                                    

Hector's POV

Malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang ipikit ang aking mga mata. Tila ba gising pa rin ang aking isipan sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. Nilalamon ako ng sobrang katahimikan sa loob ng kwarto. Katabi ko ang aking mag-ina na mahimbing ng natutulog pero ako gising na gising pa.

Muli na naman akong napabalikwas ng posisyon, patagilid, padapa, patihaya at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako pinapatulog.

It's already eleven o'clock ng gabi at gising na gising pa din ako. Nag decide akong bumalikwas at bumangon. Bumaba ako ng kwarto at tumungo sa ibaba upang kumuha ng malamig na tubig.

Matapos kung magsalin ng tubig sa baso ay agad ko itong ininom. Naupo pa ako sa dining area at nagmunimuni. After 10 minutes ay bumalik na ako ng kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog nila. Pahiga na sana ako ng mapatigil ako habang nakatingin sa drawer na nasa paanan namin.

Tumayo ako at marahang binuksan ang drawer kung saan naroon ang maliit na box na ibinilin sa akin ni Georgina. Binalik ko ang aking tingin sa mag-ina ko. Ewan ko ba pero may bumubulong sa akin na kailangan ko ng malaman kung ano ang nasa loob nito. Kinuha ko iyon at tumungo sa may terrace.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hangin na magiliw na dumadampi sa aking katawan. Ang mga bituin na nagsisilbing liwanag ng gabi. Ang malalim na gabi na nababalot ng katahimikan. Ang tibok ng puso ko ay sobrang kakaiba.

Naupo ako sa upuan habang hawak hawak ko pa din ang maliit na box. Huminga ako ng malalim. Handa na ako. Dahan dahan ko itong binuksan.

Isang piraso na papel na nakatupi at may tali sa gitna.

Unang kita ko pa lang sa papel ay alam ko na agad na isa itong liham. Isang liham na alam kung dudurog ng aking puso. Some part of me ay may naramdaman akong saya at excitement na mabasa ang laman nito. Kinuha ko ang liham pero bago ko iyon maiangat ay may naramdaman akong malamig na bagay sa aking kamay. At ng makita ko, kung ano ito. Ang necklace na lagi niyang suot.

Kinuha ko iyon at tinitigang maigi ang kabuuan nito hanggang sa tuluyan ko ng binuksan ito. Larawan ng dalawang batang nakangiti kasunod nun ay ang biglang alala ko sa kanya.

*** F L A S H B A C K S !

“Alam mo ba kung bakit gusto kong pumunta sa lugar na ito?” tumingin siya sa akin. “Gusto ko ulit siyang makita.”

“Makita? S-sino?” ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

Marahan niyang hinubad ang kwintas sa kanyang leeg at tiningnan ito.

Maraming taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa aking alaala ang ginawa niyang pagsagip sa akin.” iniabot niya sa akin ang kwintas. Hugis puso ito at nabubuksan ang loob nito. Isang larawan ang nakita ko. Larawan ng isang batang babae at ng isang batang lalaki.

“Siya ang tagapagligtas ko. Siya ang sumagip sa akin noong nalulunod ako sa dagat na ito. Sobrang bata ko pa noon at ganon din siya pero ang tapang niya dahil iniligtas niya ako. At alam ko sa murang isipan ko ay nakaramdam ako ng pagmamahal sa kanya. Mula ng insidenteng iyon ay hindi ko na siya nakita.”

“Kaya ka nandito dahil nagbabasakali kang makita mo siya?” ang seryusong tanong ko.

His MillionaireWhere stories live. Discover now