Chapter 6 : Her Story

5K 90 2
                                    

•Hector's POV•

Ang pinakamalungkot daw na pangyayare sa buhay natin ay ang sarili nating kamatayan. Lahat naman tayo ay pupunta roon. Hindi lang natin alam kong kailan tayo kukunin ni Lord.

Ako. Kung tatanongin ako ay hindi pa ako handa. Gusto ko pang makatulong sa kumpanya at malayo pa ang lalakbayin ko. Pero paano kong ako ang nasa kalagayan ni Cristine marahil mawawalan din ako ng pag-asa. Mawawala lahat ng tiwala at hihintayin na lang ang araw na itinakda.

Hays.

Sa dalawang araw na pananatili ay nawawalan din ako ng pag-asa. Parang gusto ko ng iwanan siya sa lugar na ito. Parang hindi ko kaya na makita siyang wala ng buhay. Ang hirap.

“Okay ka lang ba?? ” ang tanong niya sa akin matapos kong ayosin ang wheel chair sa harap niya.

“Oo naman. Okay lang ako. ” saad ko at inalalayan siyang makaupo sa wheel chair.

Gusto niya daw kumain sa labas ng kubo kaya nag set na ako kanina. Palubog na din ang araw kaya hindi masyadong mainit sa labas. Perfect din iyon upang makita niya ang magandang tanawin sa karagatin. Ang paglubog ni Haring araw.

Tahimik kong itinulak ang wheel chair habang nakaupo siya. Sa simpleng bagay na ginagawa ko, alam ko sobra sobra niya iyong naaapreciate.

“Ang dami namang pagkain Mister. Kung wala lang akong sakit baka nilantakan ko na iyan. ” ang tugon niya. Hindi ko naman ang maiwasang mapangiti dahil sa masayang expression sa mukha niya.

“Sariwa pang mga 'yan. Kumain ka para magkalaman yang tiyan mo. ”

“Oo naman. Ikaw nagluto?? ” saad niya at humigop ng sabaw. Kahit nanghihina ay hindi niya pa rin pinapahalata sa akin.

“Ano masarap ba?? ” tanong ko matapos niyang higopin ang sabaw.

“Naalala ko tuloy yung luto ni Mommy. ”

“Mommy?? ” sabi ko sabay tingin niya sa akin.

“Kain na tayo. ” ang pag-iwas niya ng usapan.

Hindi ako kumibo at kumain na lang din. Kukunti ang kinuha niyang pagkain dahil baka daw sumuka siya pag madami ang kainin niya. Hindi naman ako namilit pa dahil baka magalit siya sa akin.

“Ah Cristine, can I asked?? ”

“Sure. ”

“Hindi mo ba sila namimiss?? I mean, yung parents mo. Hindi mo ba sila hinahanap hanap?? ” ang seryusong tanong ko.

Tinitigan niya ako ng malalim na parang may mali akong nasabi dahil sa mga titig.

“Mister ayuko silang pag-usapan. ”

“Bakit ayaw mo?? ”

“Dahil hindi na kailangan. Please wag mo na kong kulitin baka mapano pa ko. ” sabi pa niya.

“Okay. Okay. ” mabilis kong tugon at tumahimik na nga.

Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. Madami ang natirang pagkain kaya inilagay ko muna ito sa loob ng ref. Hindi naman ito masisira. Matapos nun ay binalikan ko siyang nakaupo pa din habang nakatanaw sa papalubog na araw.

“Hindi ka ba nilalamig?? Okay ka lang ba?? ” saad ko habang palapit sa kanya.

“Ang ganda. Hindi pa rin nagbabago. Ganitong ganito din ang nakita ko noon. ” saad pa niya na hindi man lang tumingin sa akin. Tumanaw ako kung saan siya nakatingin.

Sobrang ganda ng kulay ng kalangitan. Nag-aagaw ang liwanag at ang dilim.

“Mister! ” tawag niya sa akin dahilan para tumingin ako sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha at nadagdagan pa iyon ng ngumiti siya.

His MillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin