Chapter 1 : The Girl

14.2K 186 1
                                    

•Hector's POV•

She's sick!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at nilapitan ko ang babaeng ito. Nakita ko lang siyang nahihirapan sa paglakad. Ewan. Pero kanina ay bumaba ako ng sasakyan para tulungan siya.

Hindi ako ganito. Ako yung tipo ng tao na hindi concern at walang pake sa mga taong nakapaligid sa akin. But now, heto ako nagpapaka super hero.

Hays.

Muli akong napabuntong-hininga saka ibinaling ang aking tingin sa kanyang mukha. Wala pa rin siyang malay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Hays.

Problema. Napakalaking problema.

Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. Maganda siya kahit na nababalotan ng tela ang kanyang ulo. Ang hubog ng katawan niya ay parang modelo. At ang dibdib.... Sobra.... Sobrang laki.

Shit! Ano bang ginagawa ko!?

"Miss, wakeup! Miss?? " sabi ko sabay dahan dahang tinapik ang kanyang mukha.

Gusto ko sana siyang dalhin sa ospital kaya lang naisip ko yung sinabi niya na she wanted to be free bago siya mawala.

Mawala?? She's dying??

"M-mis---" kinabahan ako bigla.

Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sobrang lungkot ang nakikita ko sa kanya.

"Nasaan ako?? S-sino ka??" tanong niya sa akin bago siya nagpalinga-linga sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Don't worry. Wala akong ginawa. Nawalan ka ng malay kanina. " paliwanag ko.

Natahimik siya ng sobrang lalim ng kanyang iniisip. Gusto kong magtanong kaya lang natatakot ako.

"Saan ba kita ihahatid?? "

"Please, wag mo kong ibalik sa hospital. Ayuko na dun. Mamamatay ako ng malungkot at puro sakit kapag nandoon ako. " Mahina niyang sabi sa akin. Ramdam ko ang awa sa kanyang boses maging sa mga titig niya.

"Hindi ko maintindihan Miss. Ano bang meron at ayaw mong bumalik sa ospital?? Maaalagaan ka dun and for sure hinahanap ka na ng mga magulang mo. Kaya---- "

"No! Please! " tumingin siya sa akin sabay iling niya. "I have...a cancer... And soon, mamamatay na ko. "

"What??" gulat kong sabi. Nagsipagtaasan naman ang balahibo ko.

"Gusto mo bang mamatay ako ng hindi ko nakikita ang liwanag?? Na hindi ko naririnig ang ingay ng alon?? Ang huni ng mga ibon! Gusto mo ba!? " at kasunod nun ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Miss kasi---"

"Kung hindi mo ko kayang tulungan, say it! "

"Ayukong madamay. Baka may mangyare sayo. " tugon ko pa.

"Mamamatay din ako. Ilang buwan na lang! I have a brain tumor. Wala ng pag-asa sabi ng mga doctor! Please Mister! This is my only wish bago ako mawala. "

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung anong isasagot ko. She has a brain tumor! A cancer.

Natahimik ako habang pinapakiramdaman ko siya. Nalilito ako. Hindi ko alam na ganito pala ka kumplikado ang pagtulong ko sa kanya.

"Where do you go?? " mahina kong tanong sabay tingin ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng malalim na para bang binabasa niya ako. And so damn! Napaka attractive niya. The way kung paano siya tumingin sa akin. Weird!

His MillionaireWhere stories live. Discover now