Chapter 28 : Memories

3.6K 66 3
                                    


•Hector's POV•

Napabuntong-hininga ako ng malalim bago ko idikit sa wall ng kwarto ko ang iginuhit kung larawan. Ang larawan ng batang babae na lagi kung napapanaginipan. Kahit ipikit ko ang aking mga mata ay kabisadong kabisado ko na ang mukha niya. Para ngang nakita ko na siya noong kabataan ko. Hindi ko lang talaga matandaan.

Inikot ko ang aking tingin sa loob ng aking silid. Puro mga mukha ng batang babae at iilang mukha ni Georgina ang makikita sa loob. Mga likha ko na nakaguhit sa sketch pad na idinikit ko naman sa wall ng kwarto ko.

Mahihirapan nga siguro ako kapag nawala na sa akin si Georgina. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung anong nag-aantay sa akin.

Pabagsak akong humiga sa kama. Malalim ang aking mga iniisip. Sa maikling panahon ay sobrang ang laki ng pinagbago ko. Ang daming nangyare. Hindi ko na nga matandaan ang dating ako. Isang dating strict boss sa kumpanya ngayon isang maamong tupa na lamang.

Binago ako ni Georgina.

Tumihaya ako ng higa at itinuon ang aking tingin sa ilaw na nasa kisame. Tinitigan ko ito ng malalim na parang may nagawa itong hindi maganda sa akin hanggang sa bigla na lang lumitaw ang isang tagpo. Ang tagpo kung paano kami nagcross ng landas naming dalawa. Kung paano kami nagkakilala. Kung paano napalapit ang aking puso sa kanya. Mga panahon na hinding hindi ko makakalimutan.

***

“Mister, bakit ang bait bait mo?” tanong niya sa akin.

"Mabait?? Hindi siguro. " ibinaba ko ang pinggang hawak ko. "Siguro likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin. "

"Pero sobra sobra na ang ginagawa mo. " saad niya.

Napatingin ako sa kanyang mga mata. Out of nowhere ay kinuha ko yung telang ginagamit niya sa pagpunas at marahan kong pinunasan ang ibabang parte ng kanyang labi.

Napaka attractive niyang tingnan. Damn! Sobrang lakas ng tibok ng aking puso.

"Masaya ako sa ginagawa ko. " Masaya ako kapag nakikita ka. "Kaya dapat magpagaling ka na. " sabay ngiti ko ng pilit. Gusto kong maramdaman niya na andito lang ako, na sobrang sarap mabuhay.

Ngumiti naman siya kaso yung pilit lang at hindi iyon maikakaila ang lungkot sa kanyang mga ngiti.

"Alam mo ba, ilang beses ko ng tinanong iyan sa sarili ko. Masarap ba talagang mabuhay?? O puro pasakit lang?? For my entire life never akong naging masaya. Sobrang lungkot ng buhay ko. Idagdag pa ang sakit ko. Masaya ako dahil malapit na ko sa katapusan ng aking buhay. "

***

'Yong mga panahon na malakas pa siya. Mga panahong hanggang alaala na lang. Mga panahon na minsan ay nakasama ko siya. Mga panahon na mananatili sa aking puso't isipan.

***

“Bakit hindi kita maalala kanina?? Bakit?! Bakit!? Tell me Mister! Why?? ” umiiyak niyang tanong. Ramdam ko sa kanyang boses ang sobrang takot.

Kahit ako. Takot na takot!

“Dahil hindi na ganon ka strong ang brain mo. Like RAM, kapag may sira nakukurapt lahat ng files. Nagbbreakdown. Shutdown because of virus. And that's what happen to you. ”

“I feel sorry for forgetting you. Sorry kung hindi kita naalala. ” umiiyak niya pa ring sabi.

“You need to be ready. ”

***

'Yong mga panahon na nakakalimutan niya ako. Mga panahong hindi niya ako makilala. Isang haplos niya lang sa mukha ko ay tila ba nakikilala na niya ako. Alam ko, kahit mawala na ang lahat ng kanyang pakiramdam, makikilala at makikilala niya pa rin ako. Ganoon kalakas ang presensya ko sa kanya.

His MillionaireWhere stories live. Discover now