Chapter 12 : For the last Time

4.3K 96 5
                                    

•Georgina's POV•

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang ipaliwanag ang lahat. Ang laki ng kasalanan ko but I have my reason kong bakit ko iyon ginawa.

Sa loob ng walong buwan ay ang silid na iyon ang naging tahanan ko. Sa ospital kung saan ginagamot ako. Isang araw ay narinig ko silang nag-uusap, sila Mommy, Daddy at ang aking doctor. Sinabi ng doctor sa kanila na hindi na ako magtatagal, na wala ng pag-asa na mabuhay ko. May taning na ako.

Akala ko sasabihin nila pero inilihim nila iyon sa akin. Sa bawat karayom na itinutusok sa aking katawan ay parang namamatay na ako. Sa bawat daing, kirot, sakit at kung gaano ako nahihirapan at nasasaktan. Wala na nga yata akong luhang mailalabas.

Nakahiga ako sa kama ng mahabang panahon. Alam ko, kahit hindi nila sabihin at ipakita sa akin kung gaano sila nahihirapan ay nasasaktan ako. Mas masakit pa emotionally compared sa mga karayom na itinutusok sa akin.

Lumaki akong busog sa pagmamahal nila. Only child lang kasi ako. Hindi sila nagkulang sa pagmamahal na dapat ay maibigay nila sa akin.

Nasasaktan ako ng sobra kaya sinubukan kong tumakas, lumayo at magpakalayo. Sa unang pagtakas ko ay nahuli ako kaya nagkaroon ng guard na magbabantay sa akin. Pero hindi ako sumuko. Nakilala ko ang isang nurse at naging malapit ako sa kanya. Humingi ako ng tulong na gusto kong pumunta sa islang matagal ko ng di napupuntahan. Hindi naman ako nabigo. Tinulungan niya kong makatakas ng ospital.

Madaling mapagod ang aking katawan at malamang makikita din nila ako. At yun na nga humingi ako ng tulong sa isang lalaki. Lalaking may busilak na puso. Nung una, gusto niya kong ibalik sa ospital kaya lang nakiusap ako na ayukong bumalik sa ospital.

Nagpahatid ako sa kanya sa terminal. Hindi ko naman akalain na sasamahan niya ko hanggang sa islang 'to.

Sa paglipas ng araw ay mas nakilala ko siya. Mabait, maasikaso at concern sa akin hanggang hindi ko na napigilan na tumibok ang aking puso. Nagtapat siya sa akin kaya lang tumanggi ako. Hindi kami mananalo sa huli kapag pinagpatuloy pa namin ito. Masasaktan ko lang siya.

Nagpanggap ako na ibang pangalan ang gamitin ko para hindi niya malaman ang totoo dahil alam kong hinahanap ako ng aking mga magulang. Maging si Mary ay pinakiusapan ko tungkol dito.

Sobra akong nasaktan at hindi alam kung anong gagawin. Masakit para sa akin dahil nasaktan ko siya. Nasaktan ko siya. 

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapalakas ang nanghihina kong katawan. Pagod na ko. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ko.

Minsan mas gugustuhin mo na lang na hilingin kay God na kunin ka na niya para hindi ka na mahirapan pa. Wala na kong ibang pinagdadasal kondi ang dumating ang araw ng aking katapusan. Hindi na ko magtatagal at ramdam ko iyon sa aking katawan.

Kinuha ko ang telang nakabalot sa salamin. Nilagyan ko ito ng tela upang hindi ko makita ang aking sarili. Ayukong maawa sa aking sarili kaya ko ito tinakpan ng tela.

Pinagmasdan ko ng maigi ang aking mukha habang nakatingin sa harap ng salamin. Malalim ang aking mga mata, maputla ang aking balat, walang kulay ang aking labi. Mukha akong pagod. Tinitigan ko ng maigi ang aking sarili.

This is not me. Wala na ang masiglang mukha ko. Wala na. Pinilit kong ngumiti at hindi ko napigilan ang luha sa aking mata. Tuluyan nga itong bumagsak. Pinahid ko iyon gamit ang aking kamay.

Ayuko ng umiyak.

Lumabas ako ng kubo para hanapin si Mister. Ayuko siyang tawagin sa pangalan niya dahil hindi naman kami ganon kaclose. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

His MillionaireWhere stories live. Discover now