Chapter 8 : Confess

4.6K 86 7
                                    

•Hector's POV•

Totoy wag kayong lalayo. Delikado doon.ang turo ng isang babae sa di kalayuan.

“Opo dito lang kami ni Ate sa tabi. Maglalaro lang kami.” ang sagot ng batang lalaki habang hawak hawak ang kulay dilaw na bola.

Nagpasapasahan ng bola ang batang lalaki at ang Ate nito. Malulutong ang kanilang mga tawa. Sa tuwing hindi nasasalo ng isa sa kanila ang bola ay nagtatawanan sila.

Hanggang isang batang babae ang lumapit sa kanila. Nanunuod ito at nakikitawa sa kanilang ginagawa.

“Gusto mong sumali?” ang sabi ng batang lalaki sa batang babae. Tumango ito habang nakangiti. “Anong pangalan mo?” ang tanong ng batang lalaki.

“Gigi. Ikaw?”

“Totoy.” ang sagot ng batang lalaki.

Mister! Mister!

Naalimpungatan ako sa boses na tumatawag sa akin kaya nagising ako. Nakatulog pala ako habang nakahiga sa duyan. Hawak hawak ko pa rin ang sketch pad na pinagguguhitan ko kanina.

“Cristine.” sagot ko sa kanya.

“Bakit dito ka natutulog? Pwede namang sa loob. Mainit kaya dito.” ang sabi nito.

“Presko kasi dito.” ang sagot ko.

“Ano 'yan?” sabay turo niya sa hawak kong sketch pad.

“Ah? Ito? Wala.” sabi ko pa sabay sarado nito.

“Patingin ako.” ang pagpilit niya sa akin at agad na kinuha ang sketch pad sa akin. Agad niya iyong binuklat at para naman siyang bata sa reaksyon niya. “Wow! Ikaw gumawa nito? Ang galing mo naman.” ang puri niya sa akin habang isa isa niyang tinitingnan ang mga iginuhit ko.

“Pampalipas oras lang.” ang sagot ko at tumayo sabay tali ko ng duyan. Sa nakikita ko sa kanya sobrang manghang mangha siya sa nakikita niya.

Sa kanya ko lang pinakita ang mga gawa ko. Ayuko kasing may pumupuri sa akin. Mahusay akong gumuhit. Mahilig ako sa arts at ang pagguhit din ang libangan ko to relieve stress.

“Pwedeng favor?” ang tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. “Pwede mo ba akong iguhit?”

“H-Ha?”

“Please? Para may ilalagay na akong picture sa kabaong ko kapag namatay na ako.” ang pabiro niya pang sabi na hindi ko naman nagustuhan.

“Don't say that! Hanggang humihinga ka, be thankful.” ang saad ko.

“I'm just kidding Mister! Please?”

Tinitigan ko muna siya saka tumango. Napangiti naman siya ng malapad at agad na inayos ang kanyang sarili. Kinuha ko naman ang pencil na nasa upuan malapit sa kanya.

Naupo siya sa kawayang upuan at nag pose. Aaminin ko kahit na wala siyang buhok ay sobrang ganda niya pa din. Madali lang naman ang hugis ng kanyang mukha kaya hindi ako nahirapan. Sa bawat tingin ko sa kanya ay mas lalong lumalakas ang tibok ng aking puso.

She is beautiful. Napakabuti niya pang tao.

Napatigil naman ako sa pagguguhit ng bigla kong maalala ang panaginip ko kanina. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga pangalan ng mga batang iyon. Si Totoy at Tintin.

Wala din naman akong maisip kung sino sila. Siguro panaginip lang iyon.

“Mister!? Okay ka lang ba?” agad akong napakurap at napatango dahil sa sinabi niya.

His MillionaireWhere stories live. Discover now