Chapter 9 : Doctor

4.4K 115 1
                                    

•Hector's POV•

Six days to be exact. Ganon na katagal ang inilagi namin sa islang ito at patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa kanyang sakit. Sa bawat daing niya ay ako ang mas nasasaktan. Ako ang naaawa sa kalagayan niya.

Minsan, I want to be selfish. Gusto kong suwayin ang kanyang hiling. Seeing her in pain is killing me. Para akong pinapatay lalo na kapag umaatake ang mga symptoms ng cancer. Wala akong magawa kundi yakapin siya.

Hanggang kailan niya kayang tiisin ang lahat?

Mas lalo akong napalapit sa kanya. Pinaramdam ko kung gaano ko siya kamahal kahit ayaw niya. Mali daw kasi na mahalin ko siya gayong nasa ilalim na ng hukay ang kalahating katawan niya. Hindi ako nagpatinag sa nais niya. Pinaramdam ko sa kanya na kahit lumayo siya sa kanyang pamilya, may isang kagaya ko naman na nagmamahal ng totoo. Sapat na iyon para hindi siya malungkot.

Sa pagpapalit palit ng klima sa isla ay mas nakilala ko ang karamdaman niya. Sa tuwing nawawalan siya ng memorya ay sinasakyan ko na lamang ang kanyang mga tanong. Paulit ulit kong pinapaalala sa kanya kung sino ako sa buhay niya. Madami siyang tanong na halos paulit ulit lang. Ako din ang nagsisilbing mga mata niya kapag nanlalabo ang kanyang paningin. Sabi niya sa akin nahihilo daw siya at sumasakit ang kanyang ulo dahilan para maapektuhan ang kanyang paningin hanggang sa maging okay ulit ang galaw ng kanyang katawan.

Sa tuwing namamanhid ang kanyang katawan na halos hindi na maigalaw ay magiliw ko itong minamasahe. Kapag nagsiezure siya ay mabilis akong rumiresponde sa kanya. Halo halong emosyon. There's a part of me na sobrang takot na ako buti na lang kasama ko si Nurse Mary para tumulong sa amin.

“Alam mo Hector sobra akong naaawa kay Ma'am Cristine. Bakit siya pa? Ang bait bait niya.” ang sabi ni Nurse Mary sa akin.

Kasalukuyan kaming nagkakape sa labas ng kubo. Sobrang laming ng umaga. Sobrang sarap sa pakiramdam na para bang yumayakap sa akin.

Napatingin ako kay Nurse Mary dahil sa sinabi niya.

Bakit nga ba? Ang tanong ko din sa aking isipan. Bakit si Cristine pa sa dami daming masasamang tao sa mundo bakit siya pa?

“Alam mo, paulit ulit ko ding tinanong iyan sa sarili ko. Ang diyos lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan natin. Mabuting tao si Cristine. Malaki ang pangarap niya base sa pagkakakilala ko sa kanya.”

“Napakaswerte naman ni Ma'am Cristine dahil hindi niyo siya pinabayaan.”

“Hindi ko siya iiwan at kung kunin na nga siya wala akong magagawa. Masakit para sa akin kapag dumating na ang araw na iyon.” Iniwas ko ang aking tingin dahil naging emosyonal na ako. “Alam mo, takot na takot ako. Natatakot ako sa araw na iyon. Kung pwede lang wag ng matapos ang araw na 'to.”

Pumikit ako at huminga ng malalim bago uminom ng kape.

“Anytime Nurse Mary, kung di mo na kaya ang trabaho mo. Hindi kita mapipilit.”

“Hector kagaya mo hindi ko kayo iiwanan ni Ma'am Cristine. Malaki ang naitulong niya sa pamilya ko. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.”

“Maraming salamat.” ang tugon ko.

Sa buhay, hindi importante kung gaano ka kayaman. Hindi importante kung madami kang pera. Kung oras muna talaga wala ka ng magagawa. Hindi mo rin madadala ang lahat ng pinaghirapan mo sa mahabang panahon kung mamamatay ka. In every single day ay dapat natin gawing makabuluhan ang buhay at wag sayangin. That's the only thing na natutunan ko simula ng mapunta ako sa isla na 'to.

Pumasok na ako sa loob ng kubo baka gising na kasi ang aking reyna pero nagulat ako at labis na nagtataka ng makita ko siyang tahimik na umiiyak.

“What's wrong?” ang sabi ko at agad na lumapit sa akin. Mas lalong lumakas ang iyak niya at kasunod nun ang paghagulhol niya.

His MillionaireWhere stories live. Discover now